Chapter 48

137 9 5
                                    

Ring of Promises

Chapter 48

Panay ang baling ko kay Caspian habang nag-iikot sa flower shop. Nasa loob ako at namimili ng cactus na ilalagay ko sa aking desk habang siya ay nasa labas at tumitingin sa mga bouquet.

Nang lumingon siya sa gawi ko at sinalubong ang aking mata ay mabilis akong nag-iwas. Narinig ko ang pagkalansing ng wind chime nang bumukas ang pinto.

"Are you done?" He stood near me and put his right hand on his pocket while his left was touching the white pot, planted on it was a small cute cactus.

"Hindi ako makapili." My mind was still wandering on what happened. Hindi makapagproseso ng maayos dahil hindi pa rin tuluyang nawawaglit sa isipan ang mga sinabi ni Caspian.

Is it true? He did not cheat on me... and he still love me. I bit my lower lip and pinched my hand. Napangiwi ako sa dalang kirot noon.

"How about this one?" Inangat niya mula sa rack ang puting paso at nilapit sa akin.

Tinanggap ko 'yon at tumango sa kanya. "Okay, I'll get this."

Huminga ako ng malalim bago naglakad patungo sa counter para makapagbayad. Nilabas ko ang wallet ko pagkalapag ng halaman sa counter.

"I received eight thousand, Sir." Umangat ang tingin ko sa kahera at kay Caspian.

"I'll pay for my plant." I tugged his shirt. Hindi niya ako pinansin at dumiretso lang ng tingin. "Caspian, I said I'll pay for my plant."

"I already paid for it." Sinamaan ko siya ng tingin at humalukipkip.

"Sino ba kasing nagsabing bayaran mo?" I raised my brow at him when he didn't even threw a single glance on me.

"You know what? Let's just mind our own business, don't lay a finger on mine and I'll do the same to you." Naiinis akong lumabas mula sa tindahan.

Why am I even spending my precious time with him? I said I won't let my guards down but here I am, letting him do whatever he wants.

Amanda, he said he's here as your boss.

Hindi ko naman kasalanan kung malagyan ko ng malisya 'yon. Sa mga sinabi at inakto niya kanina, sinong hindi maniniwala na may balak siya?

My mind says he's trying to win me back. Pero naiinis din ako sa sarili ko at napakadali lang niyang nakuha ang aking loob. Isang paliwanag lang niya, tuluyan ko na siyang napatawad. Isang hawak lang niya, nalinis na niya ang kanyang pangalan. Isang halik lang, baliw na naman ako.

"Damn." Sambit ko nang maalalang nasa kanya ang susi ng sasakyan ko.

"Are you trying to run away from me?" I heard the excitement on his voice.

Nanatili akong nakatalikod sa kanya.

"Amanda..." I gulped when his sweet yet shivering voice filled my ears.

"Just give me my car keys. Ihahatid kita kung saan ka pupunta." Hinarap ko siya at nilahad ang kamay ko, nag-iiwas ng tingin.

Imbis na susi ang maramdaman ko ay ang paso ata ang nilapag niya sa palad ko. Bumaling ako sa palad ko at nakitang ang cactus nga ang binigay niya.

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon