Chapter 4

149 13 13
                                    

Ring of Promises

Chapter 4

Miyerkules ay naka P.E. uniform kaming lahat. Kahit na tapos na ang mga marka namin ay kinailangan pa ring sundin ang protocol. Dalawang araw na lang ay matatapos na ang first semester.

Mahaba ang pila at hindi ko na tanaw ang unahan nito. Dagsa ang estudyante ngayon sa canteen dahil nagsabay-sabay ang mga grade 12 students. Panay ang paypay ni Autumn sa kanyang sarili kahit na hindi naman gano'n kainit. Dahilan niya ay stressed siya sa dami ng estudyante ngayon.

"Saan pala kayo ngayong sem break?" Nagkibit balikat ako dahil hindi pa naman nag-uusap sina Daddy at ang mga tito ko kung saan ba kami magbabakasyon.

"Kung hindi maaasikaso baka doon sa isla na lang ulit kami." Siniko niya ako na parang napakalaking kasalanan ang sinabi ko.

"Anong sa isla na lang ulit? Alam kong mayaman kayo pero ni 'lang' mo lang ang isla niyo?"

"Ewan ko sa 'yo," inirapan ko siya at humakbang paabante dahil dumadasog na ang pila.

"Chicken fillet with rice, saka po isang coke in can. Take out." Agad kong sabi sa tindera at inabot ang aking bayad. Pagkatanggap ng sukli ay tumabi ako para si Autumn naman ang makabili. I waited for my order on the right side of the counter.

Sumunod sa akin ang kaibigan at nagsimula na naman ang pag-iinarte niya sa bagal ng mga tauhan ng canteen.

Sinubukan ko siyang pigilan pero binara niya ako. She's right but it's acceptable that there are too much students to handle and maybe they're too tired now.

"Let's go, Amanda." Si Autumn, pagkatanggap ng kanyang pagkain.

Pabalik sa aming classroom ay nagmamadali siya. Nakalimutan ata na may kasama siya. I didn't put too much effort para masabayan siya sa paglalakad. Hinayaan ko siya at mag-isa akong naglakad.

Nasa unang baitang pa lang ako ng hagdan nang may tumawag sa akin. It was Caspian. Malalaki ang bawat hakbang niya papunta sa akin.

"Tapos na kayong kumain ng teammates mo?"

Nagpaalam siya kanina na sabay-sabay silang kakain ng soccer team sa canteen kung saan nandoon din si Kuya. Mukhang nagmadali pa siya sa pagkain dahil wala pang sampung minuto nang lumabas siya ng classroom.

"Yeah, where's Autumn? Bakit mag-isa ka?"

"Uh, nauna nang umakyat. Medyo masakit ang paa ko kaya pinauna ko na siya." I lied. Baka kasi sisihin lang niya si Autumn o ang sarili niya kung bakit mag-isa ako.

Umamba siyang bubuhatin ako pero tinulak ko siya.

"Caspian!" Bakas pa sa kanyang mukha ang pagtataka dahil sa pagsigaw ko.

"What? Akala ko masakit ang paa mo?"

Humakbang ako paakyat at iniwan siya.

"Amanda, baka mapuwersa pa ang paa mo. Did you get that checked?"

Hindi ko siya sinagot at nagmadali pa lalo sa paghakbang. Nasa likod ko lang siya at sinusundan ako. Malapit na kami sa classroom at kinukulit pa rin ako ni Caspian. Muntik pa kaming magkabanggan ni Autumn nang bigla siyang sumulpot sa pintuan.

"Saan ka ba nanggaling? Akala ko kasunod kita, nagsasalita ako hanggang makarating dito sa room ng walang kausap." Walang preno ang pagsasalita niya. Hinatak pa niya ako papasok hanggang sa upuan namin.

"Nakakahiya! Akala siguro noong mga nakasalubong ko, nababaliw na ako!" Nilingon ko si Caspian na nakangusong sumusunod sa amin.

Natanto kong hindi pa tapos at mahaba pa ang mga sasabihin ni Autumn nang pinagharap niya ang upuan naming dalawa. Agad din namang hinila ni Caspian ang kanya palapit sa amin.

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon