Chapter 8

121 12 14
                                    

Ring of Promises

Chapter 8

"Everyone stand up! Make sure to gather your things and bring it with you! All of you, get out." Gulantang kami sa sigaw ng bago naming adviser. Kapapasok lamang niya at maingay ang buong klase. Kinakabahan man ay sumunod kami sa sinabi niya.

Hindi siya mukhang galit pero sobrang seryoso ng kanyang mukha at buong-buo ang boses, akala mo sanay na sanay sa mga ganoong bagay.

Bitbit ang bag ko ay sumunod ako sa mga kaklaseng naglabasan. My heart is thumping thunderously.

"I don't want to hear a thing from you. We will have our seating arrangement. Not alphabetical nor reversed. Random, ang kailangan niyo lang gawin ay bumunot ng papel at umupo sa inyong designated seats."

Maraming bumusangot at gustong umangal, pati na rin ako! Ayokong malayo kay Autumn. My hand automatically grabbed her elbow. Ngumuso ako at tinawanan niya lang ako.

I'm already on senior high school but I'm still scared to get separeted from her. She's my comfort zone, and I doubt it if I can easily get out.

Naisip ko na lang, paano na sa college? She's going to study in Baguio while I'm going to Manila. Naiiyak ako sa isipin na hindi ko na siya makakasabay kumain tuwing recess at lunch. Hindi ko na siya makakasabay papuntang waiting shed. Hindi ko na maririnig ang mga papuri at pang-aasar niya kapag dumating ang pagkakataon na 'yon.

Maybe I should pursue her? O ako na lang ang mag-adjust at sa Baguio na rin mag-aral? Dahil ako naman ang natatakot na mahiwalay sa kanya. But, we're not pursuing the same course! Wala ring talab iyon.

Oh God, please guide me.

Isa-isa kaming pinabunot ng teacher. Number 15 was written on my paper. Binilang ko sa isip ko kung saan ang magiging puwesto ko.

Our chairs are devided into two blocks, each block has five lines and in every line, there are four chairs, making it the total of 40 seats.

Doon ako sa dating upuan ni Autumn. Malabong magkatabi kami kaya talagang nalungkot ako. Nilingon ko si Caspian na nasa bandang likuran, tahimik at hindi nakikipag-usap sa mga kaibigan.

I don't know what's with him but every single damn time that I will glance at him, our eyes will meet. Kung hindi siya ngingiti ay humahaba naman ang labi. This time he pouted, Greg punched his arm, trying to divert his friend's attention to him.

Natawa si Greg nang makita na ako ang katitigan ng kaibigan. Hindi siya makalapit sa akin dahil sa likuran sila pinapila ng aming guro. Nauuna kaming mga babae.

There's this saying, Ladies first, I don't really understand its humor. Girls are always given a privilege not because boys are gentleman, it's because of their ego, most men see women as minuscle frail figures who needed to be taken care of and they must always give way. Whatever!

Pumasok na ako at umupo sa nabunot na upuan. Masuwerte ako at kahit papano ay hindi ako napunta sa likuran, hindi ako sanay roon. Pinanood ko ang bawat pagpasok ng ibang kaklaseng babae. Napunta si Autumn sa bandang likod.

Ang magkabilang upuan sa aking tabi ay bakante pa, ibig sabihin ay parehong lalaki ang magiging katabi ko. Ilang beses kong dinasal sa Panginoon na sana si Caspian ang makatabi ko.

Please, let it be Caspian. Please! Please!

Agad namang nasagot ang dasal ko nang lumakad siya patungo sa bakanteng upuan sa aking kanan. Malaki ang ngisi niya na para bang siguradong-sigurado siya na magkakatabi nga kami.

Sa aking kaliwa ay si Callant, isang soccer player gaya ni Caspian. Matagal ko na ring kaklase si Callant.

"Asus, 'tong dalawa na 'to. Kung sinuswerte nga naman." Patuyang bulong ng mga kaklase namin sa likod.

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon