Chapter 1

338 24 28
                                    

Ring of Promises

Chapter 1

A week had passed since the day Caspian told me that he'll leave me alone. Gaya ng bilis ng pagkalat ng mga chismis tungkol sa amin ay siya ring bilis ng paglaho nito.

I'm glad, wala nang sumubok pang pag-usapan ito. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Tita Jade kay Myre at bigla na lang itong nagtransfer sa ibang school kasama ang mga kaibigan. She kept on insisting that she had nothing to do about it.

"Really, Amanda. Wala talaga akong ginawang iba." Si Tita Jade, habang nilalapag ang baked macaroni sa tapat ko. I eyed the two persons infront of me.

"Jack, naniniwala ka kay Mommy?" Siniko ni Andrei ang kakambal na busy sa hawak nitong gitara. Nagkibit balikat naman si Jack. Playing safe.

"Okay, Tita. Nagtataka lang talaga ako. Noong nakaraan kasi parang hindi pa siya nakuntento sa ginawa niya at ng mga kaibigan niya sa akin." I blurted out, throwing my frustration on this poor baked macaroni.

Tumayo si Andrei at inagaw sa akin ang kutsara para tikman ang luto ng Mommy niya. Hinaklit ko pabalik ang kutsara at sinimangutan siya.

"Bakit kasi ang ganda ng lahi natin. Marami tuloy ang nahuhumaling sa mga Marcus. Tsk," umiling-iling pa siya na tila disappointed siya. I cringed at that. Alam kong nagbibiro siya. He's trying to lighten up my mood but that doesn't work for me. At hindi nahuhumaling si Caspian sa akin.

"Pero seryoso kasi, Amanda. Nakipag-ano ka nga ba kay Caspian?" Tanong ni Jack. May ideya na ako kung ano ang tinutukoy niya kaya kusa ng inihagis ng kamay ko ang throw pillow sa aking tabi. Nag-init ang pisngi ko dahil sa tanong niya.

"Cut it out, Jack. Wag kang magsimula, hindi nakakatuwa." Striktang sabi ni Tita Jade. I stuck my tounge out at Jack. Making a point that her mom was siding on me.

"Now you're ganging up on me. Nagtanong lang naman ako, gusto kong kay Amanda talaga manggaling."

"Obviously, Jack, hindi nakipag-ano si Amanda kay ano." I laughed at Andrei's words.

I really can't handle these two. Paano pa kaya kung lahat na ng mga pinsan at kapatid ko? Baka tubuan na ako ng uban kapag lahat kami ay mag-uusap tungkol dito.

Maaga ako para sa first subject namin dahil si Kuya ay may hinahabol na deadline. Malamang sa malamang ay kaunti pa lang ang nasa classroom.

Or maybe not, dahil pagdating ko sa classroom namin ay nakasara pa ang pinto tanda na wala pang tao sa loob.

Now's my chance to have some silent time. I settled down on my seat. Inilabas ko mula sa fendi backpack ang romance book na hindi ko matapos-tapos dahil sa sobrang daming ginagawa. I still have forty five minutes to spend. Let's be productive, Amanda.

I'm still on my first chapter when I heard a greet from someone. A husky 'good morning' made my heart beat faster. I ignored it, thinking it's not for me because maybe it's really not for me. Baka may nakikita siyang hindi ko naman nakikita.

I flipped a page. Naramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko. Lumikha ng ingay ang paghila niya ng armchair palapit sa akin. My body frozed. Sa bilis ng tibok ng puso ko ay aakalain mong tumakbo ako ng ilang kilometro.

"What are you reading?" He asked.

I pay no attention to him. He put his right arm on my armchair's desk. I bit my lower lip to keep my sanity. Lalong humigpit ang hawak ko sa libro noong inilagay niya ang baba sa balikat ko at isang ihip sa aking tainga ang kanyang pinakawalan.

"What the hell is your problem?!" I was hysterical when I stood up to face him. Nasa katawan ko pa rin ang kilabot na dala ng pag-ihip niya sa tainga ko.

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon