Chapter 12

116 14 2
                                    

Warning: This chapter contains mature scenes which may not be appropriate for young and sensitive readers.

Ring of Promises

Chapter 12

We're back in Solarium Café. May mga kaklase na rin kaming nakigaya sa pagpunta rito. Mukhang hindi rin nila alam ang lugar na 'to, nalaman lang nang may nagkwento sa kanila. Loise was so proud because she's the one who introduced us here. She sat next to me.
Tayo nang tayo si Ireneo para tingnan ang ginagawa namin.

Hinilot ko ang sintido ko at sumimsim sa milktea. This is kinda stressing, this is not the first time we did this but still, it's causing me stress. Kahit na masipag ang mga kasama ko ay siguradong tatagal pa kami ng ilang araw para matapos ang chapters one to three.

Tinanaw ko si Caspian na nasa kabilang lamesa kasama ang mga kagrupo niya. Kinakausap siya ng katabi pero sa akin ang tingin niya, sumagot siya sa kausap ng hindi ito tinitingnan. 

Humarang si Ireneo sa banda ni Caspian kaya naputol ang titigan namin. Itinukod niya ang kamay sa lamesa at binasa ang nasa laptop. Sinabayan ko siya sa ginagawa niya.

"Dalawang paragraph na lang pala ang kailangan ng revision, Amanda. Kaunti na lang," tinapik niya ang balikat ko bago bumalik sa upuan at tumingin sa papel na nasa kanyang harapan, naghahanap na naman siguro ng ipapagawa sa akin.

Nagpaalam si Sonia na may tatawagan saglit. Pinanood ko siyang tumayo at lumabas sa veranda. Nahagip ko na naman ang mata ni Caspian. Sobrang seryoso niya kaya nginitian ko siya.

Pinagpatuloy ko ang pagre-revise ng mga RRL, ilang saglit lang ay tapos na ako. Hindi naman na ako binigyan ng gagawin ni Ireneo kaya nakatambay na lang ako.

Wala pang senyales na malapit na kaming umuwi kaya inabala ko ang sarili ko sa akinf cellphone. May libreng WiFi kaya tumingin ako ng mga laro sa Play Store at pinagdiskitahan ang isang word game. CodyCross, it says.

Kulang isang oras na akong naglalaro at malayo na rin ang narating kong level. Hindi naman nila ako sinisita kaya pinagpatuloy ko lang ang paglalaro. Binasa ko ang given na clue.

A cascade that flows down from a great height.

Dinikit ko sa aking noo ang tuktok ng cellphone at nag-isip.

"Anong ganap natin, ate girl?" Kinalabit ako ni Laynard kaya umayos ako ng upo.

"Hilo na ka na ba?" Hinarap ko sa kanya ang hawak ko pero hindi niya 'yon pinansin. Kumaway siya sa gawi nila Caspian at itinuro ako.

Sinaway ko siya dahil naintindihan ko ang pinaparating niya.

"Laynard," Tumigil siya pero natanaw ko nang palapit si Caspian sa amin. Pumikit ako ng mariin.

"Hey," nilingon ko siya sa gilid ko. He squatted and put his right arm on the table and the other one on the back of my chair. "Is something wrong?"

I shook my head. "Naglalaro lang ako." I pouted and showed him my phone. Tiningnan niya ang screen saglit pero bumaling din naman agad sa akin.

"How are you feelong? Masama ang pakiramdam mo?" Umiling agad ako sa tanong niya. Alam kong nakikinig na ang mga kaklase namin sa mga pinagsasasabi niya.

"I'm fine. Bumalik na roon,"I shooed him. Inalis ko pa ang kamay niyang nasa lamesa pero hindi siya nagpatinag, nilagay niya 'yon sa hita ko.

"Can I take you out on a date?" Bulong niya sa akin. Tiningnan ko ang orasan, tatlong oras na lang ay magsasara na ang mga kainan. Saan naman niya ako dadalhin?

"Don't worry, nagpaalam na ako sa Daddy mo. He said yes. Pinauwi na rin niya ang sundo mo."

"H-huh?" First of all, pinaunlakan ni Daddy ang sinabi niya kahit gabi na. Pangalawa, bakit niya pinauwi si Kuya Sencio?! Paano pala kung hindi ako pumayag sa date o may nangyaring hindi inaasahan, sino namang maghahatid sa akin pauwi?

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon