Chapter 34

88 9 0
                                    

Ring of Promises

Chapter 34

Umuwi kami sa condo ko, tahimik pa rin siya. Agad niyang hinubad ang coat pagpasok pa lang namin. Sinunod niya ay ang kanyang kurbata, nakatalikod siya habang ginagawa 'yon. He removed his white button down shirt from being tucked.

"Caspian," I called him, trying to make him face me. Pero hindi umepekto, tinatanggal na niya ang pagkakabutones ng kanyang damit.

"Sorry if my Daddy is being a control freak."

"I understand," huminga siya ng malalim. Naglakad ako palapit sa kanya at nang magawa ay niyakap siya mula sa likod. I planted small kisses on his nape, shoulders, back, and on the side of his neck. Wearing heels, helped me a lot.

"He's right, you always deserve what's best. But, can you wait for a little longer?"

"It doesn't matter kung anong taon tayo ikakasal. Pero paano kung gusto kong pagkatapos ko agad mag-aral?"

"Do you really think I'm not prepared? Bago tayo pumasok sa college, nagsimula na akong mag-ipon. Simula noong pinangako natin sa isa't-isa na magpapakasal tayo at bubuo tayo ng pamilya, nagplano na ako. Kaya na kitang pakasalan ngayon. Papa and Mama must have mistook it. Hindi na ang kasal ang pinag-iipunan ko." Lumuwag ang pagkakayakap ko sa kanya dala ng pagkabigla.

"Bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin 'yan?" Hinawakan niya ang mga kamay ko at binalik ang dating higpit ng yakap ko.

"I really don't have plans on telling you this. Gusto ko sana kapag handa na ang lahat. Gusto ko ikakasal na lang tayo at titira sa bahay natin."

"Caspian,"

"Ayokong pakialaman ng kahit na sino ang kasal natin. Gusto ko tayong dalawa lang,"

"Tayong dalawa ang ikakasal pero bakit ikaw lang ang gagastos? My family won't allow that. I have money, too."

He sighed. "But..."

"Hindi na lang kita pakakasalan kung ganoon." Pananakot ko sa kanya. Hindi naman kasi katanggap-tanggap ang gusto niya.

Kinalas niya ang pagkakayakap ko sa kanya at hinarap ako. "What did you say?"

"If you'll let our family out of that wedding, I won't marry you." Matapang kong sabi sa kanya.

He laughed. "You wish," natatawa niyang sabi sabay sapo sa aking mukha.

"Don't laugh. Seryoso ako." Hinawi ko ang kamay niya at tinalikuran siya.

"Fine, fine, fine," mabilis niyang sabi at hinila ako pabalik sa kanya.

"H'wag mo nga 'kong hawakan. Hindi nakakatawa." Nagpumiglas ako sa yakap niya. "Let me go!"

Naaasar ako dahil tinawanan niya ako. Ganoon ba ako kabaliw sa kanya na kahit takutin ko siya ay alam niyang magpapakasal pa rin ako sa kanya?

"As if I will," may bakas pa rin ng tuwa sa boses niya. "Fine, we'll let them help. But the whole preparation, it will be on us."

"Tita Jade will sue you, she might put restraint on you." Sabi ko sa kabila ng inis. Tita Jade is an expert, I want her help on this.

"Why will she do that to her niece's husband, huh?" Umirap ako sa hangin. Ramdam ko ang magagaang haplos niya sa aking tiyan.

"Caspian, umayos ka nga." Mahina ko siyang siniko mula sa likod.

"Ayos naman ako, ah? Ano bang gusto mong ayos? Ako ang nasa ibabaw o ikaw ang nakasakay sa akin?" Kinurot ko siya ng pino sa kanyang braso. "Ouch,"

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon