Chapter 31

105 9 3
                                    

Ring of Promises

Chapter 31

Naiinis kong pinunasan ang panibagong luha na lumandas sa aking pisngi. Napapagod na ako, kanina ko pa ginagawa 'to pero ayaw naman maayos.

Narinig kong bumukas ang pinto kaya nagmadali akong tuyuin ang pisngi ko.

"Ayaw niyang mabalanse," humikbi ako at tiningala si Caspian na kapapasok lang sa aking condo unit.

Nakasalampak ako sa sahig habang  ginagawa ang assignments na binigay sa amin. Ang dami nang nagkalat na columnar pad sa coffee table, at hindi pa rin ako nakakakain ng hapunan dahil dito, halos alas-onse na rin ng gabi.

Agad siyang dumalo sa akin at tiningnan ang papel na nasa aking harapan.

"Stop crying. I will help you, okay?"

"Kanina ko pa 'to ginagawa, eh." Naiinis kong tinuro ang mga papel.

"I bought some foods. Kumain ka muna." Pinagpatong-patong niya ang mga nakakalat at tinulak sa dulo ng lamesa. Nilapag niya ang paper bag doon at may nilabas na food container. The scent of my favorite pasta filled my nostrils when he opened it.

"What else do you want?"

"Ayos na 'to." Suminghot ako, panay naman ang titig niya sa akin.

"You're so stressed. Sa susunod h'wag ka nang iiyak, tawagan mo agad ako. Hmm?" He ruffled my hair and kissed my forehead tenderly. Pumikit ako para damhin 'yon.

"Kasi naman, ang komplikado masyado ng transactions na binigay sa amin." Pagdadahilan ko sa kanya na para bang mababago nito ang gawain ko. He nodded and put his hand on my waist. Binigyan niya ako ng mararahang haplos sa aking baywang.

I reached for the food container and started eating. Kahit wala akong gana ay inubos ko ang dala niya. Tumayo siya saglit para ikuha ako ng inumin, may bitbit siyang isang baso ng tubig at isang tasa na sigurado akong mainit na gatas ang laman.

I uttered thanks after drinking water. Inabot naman niya ang tasa sa akin at muli siyang bumalik sa pagkakaupo sa aking tabi. I blew on my hot milk and watched as the steam danced away from my face.

"Tell me which part is hard for you. Or do you want us to start from the beginning?" Tumango ako sa huling sinabi niya.

Parang may nakabara pa sa lalamunan ko kaya hindi ako nagsasalita sa buong oras na pagtuturo niya sa akin. I am ashamed. He's not an accounting student but he knows how this thing works. Katanggap-tanggap ang dahilan na may ganito rin siyang subject at background sa kursong kinukuha ko pero pareho lang naman kami! Does that mean I'm stupid? O sadyang matalino lang talaga siya kaya ganoon?

"It's done. See? No need to cry," sabi niya pagkatapos kong isulat ang total sa ibaba. Ngumuso ako at niyakap siya. Binaon ang mukha sa kanyang dibdib, ang mga kamay ay magkahawak sa kanyang likod.

"May problema pa ba?" Bumuntong hininga ako saka umiling. Actually, something's really bothering me. I miss father and my siblings.

"Come on, tell me what's going on inside your head. You'll not cling to me like this if there's nothing wrong." Umangat ang ulo ko para tingnan siya, tumagilid ang ulo niya at matamis akong nginitian.

Kilalang-kilala niya na 'ko.

"I'm feeling that I'm being dense as days passed by. Mali ba 'yong kinuha kong kurso? Hindi ko pa natatapos ang isang taon, nahihirapan na ako." Pag-iiba ko ng usapan.

"Of course, you're not dense. Sadyang mahirap lang talaga ang Accountancy."

Sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin ko. I thought I have enough courage to pursue my dreams but it seems that I'm too overwhelmed by the support I'm receiving from them. Sa sobrang tuwa ko nakakalimutan ko na ang totoong plano ko, masyado akong nakulong sa isipan na magagawa ko iyon dahil lang ang daming nakasuporta sa akin, sobra na ang nabuong imahe sa isipan ko. Nawala na sa isip ko kung gaano kahirap ang haharapin bago makatungtong sa isang mataas na posisyon.

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon