Ring of Promises
Chapter 14
Sabado, hindi nakauwi si Daddy kahapon mula sa Manila dahil sa sobrang dami ng meetings niya. I received an urgent call from him.
Pinapasunod niya ako roon. Kaya nandito ako ngayon sa loob ng sasakyan, nililibang ang sarili sa mga gusaling nadaraanan. Weekend kaya hindi ganoon kahaba ang traffic pero inabot kami ng halos apat na oras bago makapasok sa Manila.
Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Nothing's normal ever since I woke up this morning. Wala si Daddy sa hapag. We didn't had heavy breakfast served on the table because my siblings says so. Dahil wala si Daddy pinaluto lang nila ang gusto nilang pancake.
Nakarating kami sa building ni Daddy sa Ortigas Center. MFG can be read on the metal signage in bodoni font placed on the lobby's huge wall. May ilang nakakakilala sa akin na bumabati, ang iba ay nahihiwagaan kung sino ba ako.
I sashayed through the elevator door, escorted by Daddy's bodyguards and secretary.
"Ma'am, I just want to ask. Ano pong gusto niyo for lunch?" Tanong ng sekretarya ni Daddy.
"Anything will do but, uh, do we have crêpe?"
I suddenly longed for my favorite pancake. Iba kasi 'yon sa mga gusto ng mga kapatid ko.
"Wala po pero pwedeng bumili na lang." Nagdalawang isip ako kung magpapabili pa ba ako. But, I don't want to waste her time.
"Don't bother. Kung ano na lang ang mayroon." Magalang na tumango ang babae sa akin.
Habang nasa loob ng elevator ay tinanong ko siya kung kumain na ba si Daddy. She said yes. May meeting daw kasi ito kaninang alas-onse, lunch meeting.
Three knocks on the door before I pushed it open. Bumungad sa akin si Daddy, kasama sina Tito Brad at Tita Yssa na nakapuwesto sa mahabang lamesa ng isa sa mga conference room ng building.
Humalik ako kay Tita Yssa, gano'n din kina Tito at Daddy na nakaupo sa kabisera.
"How are you, hija?"
"I've been good, Tita."
"Sorry to pop up your serene bubble but we have a huge problem, Amanda." Si Tito na sobrang seryoso. Siniko siya ng asawa at pinanlakihan ng mata.
"A very huge problem, Amanda." Napalunok ako sa sinabi ni Daddy.
"Anong meron, Daddy?" Tinukod niya ang dalawang siko sa lamesa at sinandal ang noo sa kamay.
"It's your mother." He signalled me to sit down so I did.
"What abour her, Daddy?" Bumilis ang paghinga ko.
He sighed. "Your mother left us a bulk of debts."
Kumunot ang noo ko. Left us what?
"Why? H-how did that happened? We have nothing to do with her anymore."
"I want to talk to you and Ace about it."
"Where is he, then?" Agad akong nagtipa ako ng mensahe para kay Kuya.
He's not replying, I even tried to call him but it's unavailable.
"He's not answering his phone." Sabi ko kay Daddy na siya namang kasabay ng pagbukas ng pinto. Humahangos si Kuya na pumasok.
"What's wrong Daddy?" Umupo siya sa tabi ko at pinunasan ang lumandas na pawis sa gilid ng kanyang noo gamit ang isang panyong kulay abo.
"She can't do that." Umiiling si Kuya pagkatapos ipaliwanag ni Daddy ang nangyari.
BINABASA MO ANG
Ring of Promises
RomanceAmanda Venice Marcus Series [DANAUS] | COMPLETED | ▪ ~ ▪ This is the first installment of Marcus Series under DANAUS. This story contains mature scenes which are not appropriate for young and sensitive readers. Read at your own risk.