Chapter 9

127 12 7
                                    

Ring of Promises

Chapter 9

"I'm gonna miss you, Kuya." Umiiyak si Mimi habang nakakapit sa baywang ni Kuya.

"Mimi, Kuya needs to go now." Hinahaplos niya ang ulo ng bunso naming kapatid.

"Bakit kasi sa malayo ka pa mag-school? Pwede namang sa school ko na lang!"

"Mimi, it will be awkward if Kuya will go to your school. Elementary ka pa lang. I need to go to college, para matupad ko ang mga wish mo." Huminahon si Mimi, walang pumipigil sa kanila dahil si Kuya lang ang gusto niyang kausapin.

Napapaisip na lang ako kung paano namin patatahanin ang bunso kapag hinanap si Kuya. Isang linggo na lang at magsisimula na ang pasukan namin. College na si Kuya at ako naman ay huling taon na sa senior high school. Atascka's grade 11, Mirandas's grade 10, while the twins are in grade 8. Si Maddie ay grade 6 at si Mimi ay grade 4. Hindi ko alam kung anong meron at maagang pinapunta ni Daddy sa Metro Manila si Kuya kahit halos dalawang buwan pa bago ang pasukan niya.

"Babalik naman ako sa birthday ni Ate Mira."

"June pa 'yon, Kuya. May pa lang, h'wag mong sabihin na babalik ka rin sa birthday ni Ate Atascka dahil July pa 'yon."

"Don't worry babalik din ako sa birthday ni Ate Amanda."

"Kuya! August pa 'yon!" Wala na ang lungkot sa mata ni Mimi, inis na lang dahil sa pakikipagtalo ni Kuya sa kanya.

"I'll be home during your birthdays. Kapag weekends at walang gagawin, uuwi rin ako, ayaw mo ba noon?"

"Of course, I like that! Promise mo 'yong wish ko, ah!"

"Yeah, come here Maddie." Naupo si Kuya sa sofa at niyakap ang dalawa.

"Take care, Kuya. H'wag kang hahanap ng girlfriend doon sa Manila. Sabi ni Kuya Art, marami raw mean girls doon."

"Maiipit kami sa traffic ng kuya niyo kapag hindi niyo pa pinakawalan 'yan." Si Daddy na nag-aabang na sa pinto, siya ang maghahatid kay Kuya kahit na hindi naman na kailangan.

Kunyari pa 'tong si Daddy, ang galing magtago ng emosyon. Kahit na malapit lang ang Manila ay siguradong hindi siya masasanay na wala ang kanyang panganay sa bahay.

Kuya kissed my forehead while pulling me into a tight embrace.

"You'll gonna be the big sister now, take care of them, alright? Don't let Mimi and Maddie cry," Tumango ako at gumanti sa kanya ng yakap. Kung makapagsalita 'to, akala mo naman ako ang yaya ng mga kapatid at kung makapagbilin ay akala mo hindi na siya babalik. But I don't want to ruin his moment.

"I'll call from time to time."

Kumalas ako sa yakap kahit na ayaw pa niya. I need to, because he's running out of time. Kapag hindi pa siya umalis ay tama si Daddy, maiipit sila sa traffic.

After bidding his goodbye, he kissed us once again. Mabibigat ang paang naglakad siya patungo sa kanyang sasakyan. Nagbilin si Daddy sa mga kasambahay bago nagpaalam na rin sa amin.

Pinanood namin ang paglabas ng magarang BMW sa garahe, sa loob noon ay si Kuya at Daddy, kasunod nila ay isa sa aming mga SUV, doon nakalagay ang mga gamit ni Kuya. Unti-unting dumaloy ang kirot sa aking puso.

Ang bilis lumipas ng oras, natatakot ako na lumaki ang aking mga kapatid at kapag dumating na ang panahon na kaya na nilang magdesisyon at tumayo sa sarili ay hindi malabong unti-unti silang aalis sa mansiyon at magtayo ng sarili kasama ang pamilyang binuo.

I want to keep them, I want to keep them here in our mansion. I don't want them to grow and leave this abode, this is where we learned things, this is where we build our memories. I want us to continue on making memories minus the reality that they'll leave soon. Is it too selfish to ask for that? If it is, then, I will be proud to tell the world that I am selfish.

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon