Chapter 18

135 11 2
                                    

Warning: This chapter contains mature scenes which may not be appropriate for young and sensitive readers.

Ring of Promises

Chapter 18

The running water are absolutely sparkling and green. It was extremely broad and deep. I didn't know that the hidden paradise in Nueva Ecija is already in front of me. Shame on me, taga rito ako pero ngayon lang napuntahan ito.

We booked a room in a hotel nearby. I'm surprised by the crowd. Parang hindi na siya hidden paradise dahil marami naman na ang nakakapunta.

Nakatalikod sa akin si Caspian habang kausap ang isang lalaki.

"We're rafting?" Tanong ko sa kanya dahil iginiya kami sa isang bamboo raft. Masyado 'yong malaki para sa aming dalawa.

"No," hinatak niya ako at sinuotan ng life vest. Umalma ako dahil kaya ko namang isuot 'yon ng mag-isa pero hindi siya nagpaawat.

Nilapag niya muna ang gamit namin bago ako inalalayan pasakay doon.

"No? Para saan 'to?" Umupo ako dahil medyo magalaw ang kawayan nang sumakay na ang lalaking kausap niya kanina.

"This will serve as our cottage and it is much easier than climbing down the rock formations just to get to the swimming area." Okay, he sounded so professional on that part.

He's wearing a pair of black rash guard a white famous logo was placed at the left side of his chest, it was perfectly hugging his body. Halos bumakat na ang mga kailangang bumakat sa kanya.

Ako naman ay printed white rash guard. Hindi na siya magiging problemado sa suot ko dahil hindi naman ako nagsusuot ng mga revealing na damit sa mga ganitong pagkakataon.

Namangha ako sa mga rock formation at hindi napigilan ang sariling kuhanan iyon ng litrato gamit ang aking camera.

"Ang ganda," I smiled to myself. I cringed my nose when I caught him gawking at me. Sinuot niya naman agad ang kanyang sunglasses.

"Kuya, sa mababaw lang." He instructed the man.

Tumigil ang raft sa isang gilid. 'Yon na 'yon? Parang hanggang baywang ko lang 'to, ah? Hinubad ko ang life vest nang makababa ako.

Nang maayos na ang kawayan ay inaya kong magpicture si Caspian. Nagpakuha pa kami sa mamang kasama namin.

Lumusong ako sa tubig, mabato pero hindi naman iyon masakit sa paa. I chuckled when a small fish brushed against my knee. Kitang-kita ko ang makukulay na bato dahil sa sobrang linaw ng tubig. Naglakad ako sa parteng hanggang baywang ko at natigil lang nang tinawag ako ni Caspian.

A huge hand enveloped my waist. Hinarap ko siya at nilagay ang dalawang kamay sa kanyang batok.

"Belated Happy Birthday and Happy First Anniversary, Caspian." Pagbati ko sa kanya. I kissed the corner of his lips and he automatically smiled.

May naghiyawan sa likod ni Caspian kaya napalingon kami roon. Nagkantahan sila ng birthday song at nagpalakpakan. Natawa ako sa reaksiyon ni Caspian.

Nakakunot ang noo niya at hindi makapaniwalang nasa harap ang mga kaibigan namin.

"Surprise! Regalo ko sa 'yo." Tumatawa kong inilahad sa kanya sina Greg. Humakbang ako para umahon na sana pero hinatak niya ako pabalik.

"What's this? Did you bring them here? Why?"

"Surprise nga, 'di ba?" Sinabuyan ko siya ng tubig. Ginaya naman ako ng mga kasama namin.

"Umuwi na kayo, wala kayong pagkain dito." Pagtataboy ni Caspian sa kanila.

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon