Chapter 42

116 9 0
                                    

Ring of Promises

Chapter 42

"How's your charity going?" Matteo was sitting in front of me, legs crossed while holding a newspaper. Mata lang niya ang nakikita ko dahil doon.

"Good. Thank you for helping us out." I've been working as his personal accountant for months now. Totoong tinupad ang pangako sa asawa niya na hindi na ako pauuwin sa Pilipinas.

Pagkauwi ko pa lang noong pangalawa kong bisita ay nakatanggap agad ako ng e-mail mula sa kanya na nagsasabihing gusto raw akong kuhanin bilang accountant. Noong una ay balak kong umayaw kaso gusto ko rin talagang magtagal doon dahil kay Giada. For some reason, I always seek for her presence when I'm alone. Kaya tinganggap ko, isa pa ay nag-iipon na ako para sa pagtatayo ng sariling business at para na rin sa mga balak ko pang charity works. Gaya ng huling ginawa ko, nagpasok ako ng pera sa ilang foundation para sa mga bata at nagpadala rin ng tulong sa mga nasalanta ng huling bagyo sa Pinas. Tumulong doon sina Matteo at Giada kaya malaki rin ang pasasalamat ko sa kanila.

My family's been supportive of me. Lalo na si Miranda dahil siya lagi ang nandoon tuwing kailangan ng kahalili ko. I'm based here in Italy so I never attended any fundraising event even though I always get an invite. Sinisiguro ko namang lagi akong makakatulong kahit na wala ako. Miranda's always ready to represent our family.

"Can you take a break for now? I think my wife needs you." Binaba niya ang hawak at mariin akong tiningnan. Nag-alala agad ako dahil sa sinabi niya.

Giada's pregnancy is really sensitive. Lumala pa ang pagiging sensitibo dahil mahigit walong buwan na ang pagbubuntis. Halos sa ospital na siya tumira dahil doon.

"O-of course!" Mabilis ang pagpayag ko sa kanya. Si Giada ang pinag-uusapan dito. Gusto kong alalayan at suportahan siya sa abot ng aking makakaya. If being beside her will do something, I won't leave her side.

"I'm sorry, I had to ask you this. I'm his husband yet I easily get weak just by seeing her lying on her bed, faint smile and pale face. I can't take it." Umiling siya at huminga ng malalim. Nanlulumo na ang mga mata dala nga siguro ng takot at panghihina.

"It's okay, but you need to be tough for Giada. You guys will overcome this and will have a healthy baby girl soon." Pinilit kong ngumiti kahit na pumiyok din naman dahil nag-aalala talaga sa kaibigan. "She needs you, Matteo."

Saglit kong pinuntahan ang sariling opisina sa building ni Matteo para ayusin ang ilang papel. They gave me an office even though it's not needed. Pwede ngang sa bahay lang ang trabaho pero dahil nagpumilit si Giada, wala na akong nagawa. Aside from that, we use this place to bond together whenever she visits.

"Miss Marcus," salubong sa akin ni Mauricio, ang nagsisilbing bodyguard at driver ko.

Being Matteo's accountant, there are so many privileges. I get to live on their mansion with free food, they let me use one of their expensive car, whenever Giada travels, she will tag me along without making me pay, plus I have my own privacy and security. Alam kong isang dahilan ay dahil kaibigan ang turing nila sa akin. Hindi ko nagagawang tanggihan ang mga binibigay nila dahil nga buntis si Giada, magbabalak pa lang na tumanggi at hindi pa nakakailing ay umiiyak na siya.

Matteo, being a worried husband asked me to just accept their gifts. Kapalit daw ng mga nagawa ko para sa kanila. Ni hindi ko nga alam kung anong nagawa ko para sa kanila bukod sa pagsama kay Giada.

"I'm going straight to Giada." Akmang kukuhanin ko pa lang ang bag ay inunahan na niya ako.

"The car's ready, Miss Marcus." Tumango ako at nauna nang lumabas. Kahit anong bilis ng lakad ko ay naunahan pa rin niya akong pindutin ang button ng elevator.

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon