Chapter 45

126 10 4
                                    

Ring of Promises

Chapter 45

"Lili, listen to me," bulong ko habang patuloy sa pagsuklay ng kanyang mahabang buhok.

"Yes, Mommy?" She slightly turned to me while enjoying the orange lollipop on her mouth.

"We're going to the mall with Mauricio, you should behave well, okay? I'll introduce you to my cousin."

Her brown eyes sparkled with joyfulness. Tumango siya at ngumiti sa akin.

Pinili kong isama si Mauricio dahil sa takot na mawala o mapa'no si Lili. Ako ang papatay sa sarili ko kung may mangyayaring masama sa kanya.

"I can take care of her while you talk with your cousin, Miss Marcus. Hihiwalay na lang kami." That will help but I promised Jack that I will take Lili with me.

"I already promised my cousin that I will introduced Lili to him, Mauricio." Nagkatinginan kami sa rearview mirror, tumango naman siya.

Mamaya pang tanghalian ang usapan namin ni Jack, maaga pa naman kaya una naming pinuntahan ang jewelry shop na pagkukuhanan ko ng bracelet.

"Good morning, Ma'am," bati sa akin ng isang attendant.

"Uhm, I'm Amanda Marcus. I'm here for the bracelet. Dapat noong nakaraang linggo ko pa kukuhanin 'yon."

"This way, Ma'am," nilahad sa akin ang isang sulok ng tindahan. Hawak-hawak si Lili, naglakad kami patungo roon. There, I saw the attendant who assisted me before.

"Here you go, Ma'am. Siya po ba ang magsusuot?" Tanong niya, tinutukoy si Lili.

"Ah, yes." Sagot ko, habang tinitingnan ang pulseras na hawak. Lumuhod ako para ipakita kay Lili ang ibibigay sa kanya.

"Braccialetto!" She whooped. She held out her wrist towards me. "Thank you, Mommy!"

Masaya ako na nagustuhan niya ang regalo ko para sa kanya. Mayabang kong tiningnan si Mauricio. Who said that this kid won't appreciate jewelry? Anak ata ni Giada 'to!

"Whenever you miss me or you're feeling sad, just whisper to it and Mommy will be able to hear your words even if we are far apart." I told her. Kanina pa kasi niya tinititigan ang suot na bracelet.

"Really? Even if I say I want to see you, you will show up?" Napatigil ako sa sinabi niya. Ano ka ngayon, Amanda? Sinubukan kong ngumiti kahit na nanggigilid na ang mga luha.

"Well, not everytime." I tried to calm myself down. Kapag umiyak ako, iiyak din 'to. "But if you say you love me, I will know it."

Alam ko namang lagi niyang sasabihin 'yon, ayoko lang na isipin niyang hindi ko mararamdaman 'yon kapag magkalayo na kaming dalawa.

"If me and Papa goes back to our house, I will always talk to this!" Nilunok ko ang nakabara sa aking lalamunan. Wala na akong masabi.

"Surely because you'll miss her so much." Singit ni Mauricio sa usapan.

"How about you, Mauricio? Will you miss my Mommy?" Tinakpan ko agad ang bibig ni Lili at awkward na nagpakawala ng tawa.

"Lili," I tried stopping her but she easily removed my hand on her face.

"Of course, I will." Sinamaan ko ng tingin si Mauricio. He's teasing me again!

"Amanda," I heard from someone. Inangat ko ang tingin ko at nagulat na nasa harap na pala namin ang pinsan ko! And he's with someone!

"Jack..." hindi makapaniwalang sambit ko sabay tingin sa kasama niya. Behind him was Caspian Silvestre dashing in his gray suit.

Ano? Ngayon pa talaga siya magpapakita kung kailan naguguluhan na ako sa mga nangyari noon?

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon