Chapter 26

99 8 4
                                    

Ring of Promises

Chapter 26

"Kuya, ayoko na. Ang sakit na ng katawan ko." Pagmamakaawa ko dahil pilit nila akong pinag-eehersisyo. Kasama namin sa Fitness Center ang kambal na kapwa may hawak na dumbbell.

"Try mo rin magbanat-banat ng buto kahit minsan. Rurupok 'yan, bahala ka." Pinagtawanan ako ni Jack.

"Come on, Amanda. Para masanay ka na." Sumaldak ako sa sahig para hindi niya ako mahila.

"Ayoko nga, Kuya. Wala akong oras para sa exercise na ganito." I feel so sticky already.

"You have plenty of free time. Make your self productive." Paalala niya sa akin.

Nakakainis, dapat pala sa malayong ibayo siya pinatapon ni Daddy para hindi niya ako inuulila na ganito. Sana hindi na lang sa kung nasaan ako. Pangatlong araw na namin sa Corporate Centre ng MFG dito sa Manila at talagang sinuwerte kami na malapit lang ito sa condo namin, mas madali para sa amin pareho. At ilang araw na rin nila akong kinakatok tuwing umaga at pinipilit na bumaba para lang mag-exercise bago kami pumasok sa trabaho. I was about to beg him but I remembered Caspian's word. Kusa na akong tumayo at tumakbo sa thread mill na inayos niya para sa akin. They didn't say anything. Pinagpatuloy lang nila ang ginagawa nila. May mga bumati sa kanila, mga kaedaran lang din, siguro ay schoolmates o di kaya ay block mates.

Hindi ko pa rin pinapansin si Caspian, saktong isang linggo na ang nakalipas. Panay ang tawag at text niya sa akin pero hindi ko naman siya kinakausap, sasagutin ko nga ang tawag niya kaso ay hindi naman ako nagsasalita.

Fine, sana pagbalik niya dito sa Manila makita naman niya ang pagbabago sa akin. Wait. Why am I still thinking about that?

I sighed. Nang matapos kami ay nagkanya-kanyang akyat kami. Naligo agad ako at gumayak. Mabuti na lang ay mayroon pa naman akong damit na puwedeng gawing office attire. I don't have enough time for shopping. At gusto kong ang perang gagamitin ko ay ang suswelduhin ko sa pangalawang linggo kong pagtatrabaho.

Sumasabay lang ako sa pagpasok at pag-uwi kay Kuya. Nakasasakyan kami kahit na malapit lang naman ang opisina. Kinawayan ko ang kambal bago pumasok sa Ferrari ni Kuya. Gaya namin, may summer job din sila, kaso ay sa mga boutique ni Tita Jade. I never knew what work they do but I'm wishing... sana ay hindi tagasukat ng mga magpapagawa ng gown. I frowned when I imagined them doing that.

Umiling ako at tinapik ang magkabilang pisngi. Ang gulo ng utak ko ngayon, kung ano-anong pumapasok sa isip ko. Madalas lang kaming dumaan sa drive thru ng mga fast food chain dahil pareho kaming hindi pa marunong magluto ni Kuya.

Binigyan kami ng clerical works pagdating namin sa office. Ganito lang araw-araw, mag-aayos kami ng mga papel, mag-eencode sa computer, mag-uupdate ng mga files. Mabait naman ang turing nila sa amin kaso hindi pa rin nawawala ang seniority. Masungit ang head ng Retail Banking Department na may hawak sa amin. Akala mo nasisira ang araw niya kapag natatanaw na kaming dalawa ni Kuya. Wala naman siguro siyang personal grudge sa amin, siguro ay utos lang ni Daddy na paghigpitan kami o baka ako lang.

"Paki-type ito Ms. Marcus," tumayo ako at bahagyang yumuko para magbigay galang sa kanya.

"Yes, Ma'am." Dalawang folder lang naman 'yon at puro pangalan kaya madali lang. Natanaw ko si Kuya na nakikipagngitian sa isang babae habang umiinom ng kape. Flirt!

Gaano naman kaunfair ang mundo, siya pangiti-ngiti lang habang prenteng-prente, habang ako, nakaupo sa harap ng computer at kanina pa nagtitipa. Binibigyan din naman siya ng trabaho pero pagkatapos noon, 'yon na 'yon, wala ng ibinibigay ulit, habang sa akin, pagkatapos ng isa, bibigyan ulit. Nang magtanghalian ay nakatanggap ako ng tawag kay Autumn.

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon