Chapter 44

119 9 2
                                    

Ring of Promises

Chapter 44

We're having a peaceful breakfast in our dining room. Nakaupo si Daddy sa kabisera, ako sa tabi niya, sina Lili at Matteo kasunod ko. Sa harap namin ay sina Miranda at ang kambal.

"Ate, pumayag ka na, please?" Marquise, who is looking very fresh on her royal blue dress with inner lace.

"Pumayag saan, Marquise?" Nakakunot na tanong ni Miranda.

"One of my cashier got into an accident, Ate Mira. Walang hahalili kaya pinapakiusapan ko si Ate Amanda na siya muna kahit dalawang linggo lang habang inaayos ko ang bubuksan kong branch sa Bulacan, babalik din naman siya agad pagkagaling niya."

"How about your employee? Did you take care of her? Dapat sinagot mo ang pagpapagamot kahit hindi ikaw ang nakaaksidente," sunod-sunod na litanya ni Miranda.

"Of course, I did. Nasa hospital pa siya hanggang ngayon dahil medyo malala ang inabot." Naawa ako bigla sa sinabi ni Marquise. Kung hahanap siya ng bagong kahera ay siguradong magkakagulo lalo, abala rin 'tong kapatid ko sa bubuksan niyang branch kaya sayang ang oras kung hahanap nga siya ng panibago. To lessen my little sister's problem, I agreed to it. Wala rin naman akong ginagawa sa mansion kung hindi makipaglaro kina Lili at Arashi. Matteo's busy with my father, too.

"Fine, in one condition. Isasama ko si Lili." Naramdaman kong umangat ang tingin sa akin ni Lili kaya binalingan ko siya. "You want to go to Zia's café?"

"Sure, my lovely Liliana can come and eat anything she wants." Biglang sagot ni Marquise. Bahagyang namula si Lili sa papuri ng kapatid ko.

"Hear that? Now ask your father."

"Daughter comes first and father's last?" Natatawang pahayag ni Marquee. I wanted to laugh at that, too.

Bumaling si Lili sa kanyang tatay. Hindi pa man din naitatanong ang nais ay pumayag na agad siya.

"What can I say except yes?" Matteo's head tilted and kissed his daughter's cheek.

"Yes!" Napapalakpak pa ang bata dahil doon.

Using my sister's car, we drove to her café. Nasa pinakababang palapag iyon ng mataas na building, ngayon, sigurado akong malakas ang hatak nito dahil maraming umuupa sa itaas at malapit pa sa school. I hope I can handle this.

"Good morning, guys! This is my older sister, Amanda. Siya ang papalit panandalian kay Nellie."

"Hi," maikling bati ko sa kanila. Pinakilala niya isa-isa ang mga tauhan, lahat sila ay babae pwera lang sa dalawang guard.

"Try this, Lili." Inabutan ni Marquise ng panibagong cupcake si Lili. Hindi na magkandaugaga ang bata dahil hindi pa natitikman ang isa ay nilagyan na naman niya ang plato nito.

Pinag-aralan ko ang cash register pati na rin ang listahan ng mga presyo. Marquise will be here to guide me but it's just for today! Kaya kailangang matutunan ko na agad ito.

Nagpalagay ako ng upuan ni Lili sa aking tabi para kung mapagod siya ay sa tabi ko siya magpapahinga. Some employees are accompanying her during their free time. Napapangiti nga ako tuwing naririnig ang halakhak niya mula sa loob ng kitchen.

Habang kumakain ng tanghalian, lumipad ang isipan ko mula sa nangyari noong nakaraang gabi.

Tinupad naman ni Sam ang sinabi niya, tuwing malalapit kami sa grupo nina Caspian ay hinihila niya ako palayo. After another hour, the emcee finally announced that the ending of the party has come. Pinasalamatan ang lahat ng sponsors ng event, hindi ko na hinintay na mabanggit ang pangalan ko. Nagpaalam na ako sa mga kaibigan at inaya nang umuwi ang dalawa.

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon