Chapter 13

114 12 1
                                    

Ring of Promises

Chapter 13

Kinabukasan ay nakayuko akong bumaba sa sasakyan namin. May natanaw akong ilang estudyanteng nagbubulungan, bigla na lang pumasok sa isip ko na ako ang pinag-uusapan nila kaya nagmadali akong maglakad papunta sa room namin.

Nakarinig pa ako ng ilang pagbati sa mga kakilalang nakasalubong pero hindi ko sila nagantihan ng pagbati dahil nagmamadali ako.

Masakit ang buong katawan ko pagkagising ko kaninang umaga. Akala ko pa nga ay lalagnatin ako pero pinilit kong bumangon. Ang maligamgam na tubig pampaligo ay nakatulong para maibsan kahit papaano ang pananakit ng kasu-kasuhan ko.

I drank medicines, for fever and body pain.

I was avoiding Caspian. Napansin niya ata ang pagsasawalang kibo ko tuwing sinusubukan niya akong kausapin kaya hinayaan niya na lang ako buong klase.

Lagi siyang nakasunod sa amin ni Autumn kahit saan man kami pumunta, kasama niya si Greg. Akala pa nga noong dalawa ay nagkaroon kami ng simpleng tampuhan kaya sinusubukan pa kaming pagbatiin. Mas mabuting 'yon na lang ang isipin nila kaysa naman sabihin ko ang totoo. Baka himatayin sa kabaliwan ang kaibigan ko kapag nagkataon.

Noong lunch ay sumama ako kay Sevan at Autumn kahit na pinagtutulakan ako ng aking kaibigan. Si Caspian naman ay kasama ang dalawang kaibigan na may kanya-kanyang mundo dahil nasa tabi ang girlfriend.

How funny it is that both of us looked like a third-wheel.

Sadyang tinabig ni Autumn ang siko dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Ano? Hanggang CR sasamahan mo kami ni Sevan?" Humalakhak si Sevan sa sinabi ng girlfriend niya.

"CR? Ano namang gagawin niyo roon?" Umirap si Autumn at napailing dahil sa tanong ko.

"Doon ka na nga kasi sa boyfriend mo! Baka ako ang pagbuntunan niyan kapag dumikit ka pa sa akin. Yuck! baka isipin inaagaw pa kita! Yuck talaga!" Ngumuso ako at sinaklay ang braso sa kanya.

"Ayoko nga, sama niyo na lang ako kung saan man kayo pupunta basta ayokong kausapin si Caspian." Umiling ako sa kanya at sa pinsan ko.

"Seryoso? Sama raw siya Sevan." Itinuro ako ng kaibigan at pareho silang natawa.

"Look out niyo ako ganoon." Lalo silang tumawa ng malakas. Hawak pa ni Autumn ang tiyan.

"Look out mo amg mukha mo! Baka mamaya gusto mo lang makapanood ng live." Kinalas niya ang pagkakapit ko sa kanya.

"You're so heartless, Autumn. Kapag ikaw 'tong may problema sinasamahan naman kita. Ako pa nga nanlilibre sa 'yo!" Tinakpan niya ang tainga niya at hindi ako pinakinggan

"Ayon si Barbs! Doon ka sumama,"

Tinawag ni Autumn si Barbs na may kasamang mga lalaking hindi ko kilala. Lumapit sila sa amin at pinagtulakan ako ng kaibigan ko kay Barbs.

"Sama mo 'yang babae na 'yan sa trip mo."

"Hoy, Barbs, pakilala mo naman kami." Dinutdot noong isang lalaki ang baywang ni Barbs.

"As if naman na hindi niyo pa kilala si Amanda, 'no!" Naaalibadbaran na sabi ni Barbs at umiling.

"Sabi ko ipakilala mo kami, hindi ipakilala mo sa amin." Nagtawanan sila.

"Tukmol, ayoko nga."

"Hi, miss! Aries nga pala," nilahad niya ang kamay sa akin kaya tinanggap ko naman.

"Sina Alex, Con, at Joaquin." Turo niya sa mga kasama niya.

"Mga pinsan ko sila Amanda. Nako! Tumigil na nga kayo at may bakod na 'yan, hindi niyo kayang tibagin 'yon."

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon