Chapter 28

95 9 0
                                    

Ring of Promises

Chapter 28

I scoffed at myself when I remembered his words. No need to feel ashamed, huh? Here I am stuck in the bathroom, not knowing what to do and still finding out how will I face him. I bit my fingers and frowned again.

Sa huli, napagpasyahan ko ring tumayo at harapin siya dahil walang mangyayari kung maglalagi lang ako rito. I need to move on from that! What he said was normal, I guess?

Nang lumabas ako sa banyo ay nakaupo si Caspian sa sofa habang nakatingala at nakapikit. He was holding a bottle of beer he bought last time. Tumikhim ako at humalukipkip.

Inangat niya ang kanyang ulo at ang mapupungay na mata ay tumitig sa akin. Tumikhim ulit ako.

"I'm done, puwede ka nang maligo." Bumaba ang tingin ko sa hawak niya. "O tapusin mo muna 'yan bago ka maligo. Make sure to wash yourself thoroughly. You know I don't like that kind of smell." Nginuso ko ang hawak niya at tumalikod na.

"Sure thing, Amanda." he uttered, in a low voice.

Dumiretso ako sa walk in closet para makapagbihis na ng pajama terno. For Pete's sake, no one wants to wear a satin night dress beside a man who's tipsy, who knows what might happen. Depende na lang kung pahihintulutan ko nga siya sa gusto niya.

Bibigay ka rin naman. I heard a voice inside my head. Umiling ako at kinalma ang sarili. Pagkatapos kong magpatuyo ng buhok ay lumabas na ako, wala na si Caspian sa sala at dinig na ang agos ng tubig mula sa bathroom.

I drank a glass of water before I go to bed. I searched for a present for Miranda's birthday. Habang nagtitipa sa cellphone ay pumasok ang naka sweatshorts na si Caspian, walang suot na pang-itaas kaya mabilis kong binaba agad ang tingin sa hawak.

Tumikhim siya na para bang tinatawag ang atensiyon ko, tinigala ko siya. He was busy drying his hair using the towel. Mapungay pa rin ang mga mata niya, dala siguro ng pag-inom ng alak. Ang bilis niyang uminom, ah? Kanina noong nakita ko siya sa sala ay may dalawa nang bote sa lamesa na walang laman. Uhaw na uhaw, Caspian?

"Kung gusto mo, sa labas na lang ako matutulog." Napabangon ako sa sinabi niya.

"Huh? Saan ka naman matutulog doon? Hindi ka kasya sa couch!" Mukhang nagulat siya sa bahagyang pagtaas ng tono ko. There's a ghost of smile on his face.

"I thought you don't want me to sleep beside you," bumaba ang tingin niya sa katawan ko. "You're on my side."

Saka ko lang napagtanto na nasa kanang bahagi nga ako ng kama na mas malapit sa pinto. He owns every right side of the bed, kahit sa kwarto ko sa mansiyon ay doon din siya nahihiga.

Dumasog ako para ibigay ang espasyong hinihingi niya. Umupo naman agad siya sa kama at pinatong lang ang tuwalya sa bedside table ko.

"Sinong kausap mo?" Tanong niya habang pinaiilalim na rin ang pang-ibabang katawan sa kumot.

"Wala, tumitingin ako ng ireregalo kay Miranda." Natahimik ako bigla at napaisip kung bakit hindi sa akin tumatawag ang mga 'yon, kahit si Daddy, simula noong ihatid niya ako rito hindi ko na ulit siya nakita o nakausap. Masyado na ba silang busy para hindi kami kumustahin ni Kuya? O baka ako lang ang hindi tinatawagan ng mga 'yon? Maybe they are thinking that I'll cry over the phone? Ayaw nila ng drama kaya hindi nila ako tinatawagan?

"Amanda," Caspian called me. Bumaling ako sa kanya, tinapik niya ang nakalahad na braso sa akin. I get it. Pinatong ko sa bedside table ang cellphone at nahiga na sa braso ni Caspian.

I was a bit hesitant to put my arms on his torso because he's half naked. Hanggang puson niya lang kasi nilagay ang kumot, binabalandra ata talaga ang katawan sa akin. At isa pa, ito ang unang pagkakataon na matutulog siyang walang pang-itaas, hindi ako inaantok o pagod kaya sigurado akong hindi ako makakatulog agad.

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon