CHAPTER 1

832 20 0
                                    


Isang batang babae ang masayang naglalakad Papunta sa Playground sa Edad na Sampung taon ay malaya siyang magdesisyon kong saan siya pupunta dahil ang mga yaya niya lang ang kaniyang kasama sa bahay dahil umalis Papuntang London ang kaniyang mga magulang.

Sa labis na kasiyahan nang batang babae nang makita ang isang Tree House ay agad agad itong umakyat doon ngunit dahil sa malakas na pag ulan kagabi ay madulas ang sanga.

Nadulas ang bata na sanhi nang pagkahulog nito mabuti na lamang ay nasalo siya nang isang batang lalaki.

"Maraming salamat dahil sinalo mo ako." ngiting malapad nang batang babae.

"Ako nga pala si Dave diyan lang ako nakatira" ngiti nito sabay turo sa isang malaking bahay.

"Ako naman si Loraine sa kabilang kanto pa ang bahay ko. Maraming salamat ulit ha?" sabay yakap niya sa batang lalaki.

Pinalaki si Loraine na malambing at marunong magpasalamat.
Samantala si Dave naman ay hindi nakagalaw dahil bumilis ang tibok nang puso nito nang yakapin siya nang batang babae.

" Oy dapat natulala kana diyan. Tara Laro muna tayo." sabay ngiti ni Loraine.

Ginugol nila ang oras nila sa pakikipaglaro sa bawat isa. Magdidilim na at napagpasyahan ni Dave na maglaro pa ulit bago sila umuwi.

"Tara kasal-kasalan tayo. Ako ang Groom mo at ikaw naman ang Bride ko" bibong sabi ni Dave sa batang si Loraine.

"Eh Dave diba para yon sa mga nagmamahalan? Bakit mahal mo ba ako?" walang kaabog abog na tanong ni Loraine.

"Oo naman. Kapag may love ka bumibili ang tibok nang puso mo diba? Yong puso ko kumabog kanina nang makita kita e. Ibig sabihin Love kita" mahabang paliwanag nang batang si Dave.

"Sige pakasal na tayo kaso wala tayong pari. Sinong magkakasal sa atin?" Inosenteng tanong ni Loraine

Nag iisip pa lang si Dave nang makita niya ang Tito Raffy niya na isang Lawyer at Judge. Pagkababa nito sa kotse habang dala ang kaniyang briefcase na nilalagyan nang kaniyang mga papeles ay napansin niyang pasuray suray itong naglalakad pero kahit ganon ay tinawag niya pa rin ito.

Nakumpirma ni Dave na lasing nga ito nang makalapit ito sa dalawang bata na agad agad namang nagmano sa kaniya.

"Tito Raffy maari niyo ba kaming Ikasal ni Loraine?" Inosenteng tanong ni Dave

"Hihihi Oo naman lawyer at Judge kaya ang tito mo hihihi." lasing na usal ng kaniyang Tito raffy na naupo na sa Lupa dahil sa hilo.

Inutusan siya nang kaniyang Tito Raffy na kunin ang mga papel sa Briefcase niya at isulat doon ang mga pangalan nila na agad agad naman nitong sinunod.

" hik. Papirmahan mo muna sa papa mo yan Hihihihi." lasing pa ring turan nito

Agad agad namang pumunta si Dave sa library upang puntahan ang kaniyang ama hindi naman siya nabigo dahil naroon nga ito. Dahil sa busy ang kaniyang ama agad agad itong pinirmahan na hindi manlang binabasa ang nakasulat dahil inakala nito na patungkol lang ito sa school mo Dave.

Agad agad namang bumalik si Dave sa kaniyang tito at ibinigay niya dito ang papel. Pinirmahan din ito nang kaniyang Tito Raffy at nag usal nang mga salita na nagpapahiwatig na sila ay kasal na habang inilalagay nito ang papel sa kaniyang briefcase kasama nang iba pang papel.

Tuwang tuwa naman ang dalawa dahil Natapos na ang laro nilang kasal-kasalan. Bago sila umuwi ay nangako muna sila sa isa't isa na babalik bukas sa Playground na ito upang makapaglarong muli.

****

Kinabukasan Nagising si Raffy na puro putik ang kaniyang suot na damit habang nakahiga sa kaniyang kama. Nakainom nanaman ito dahil iniwan nanaman siya nang kaniyang asawa.

Mabilis itong Kumilos dahil pupuntahan niya pa ang next na Client niya. Kinuha niya ang briefcase na lagi niyang dala bago makapunta sa kotse ay nakita niya ang kaniyang pamangkin na si Dave na ngiting ngiti binati niya ito ng goodmorning at pumunta na sa kanyang kotse at umalis.

Matapos ang meeting niya sa Next Client niya ay pumunta na siya sa Office kong saan ibinigay niya ang mga papeles nang mga client niyang ikinasal niya upang ipanotaryo at ipalegal ang kasal nang mga ito.

SECRETLY MARRIED ❤️                     (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon