LORAINE POVKasama ko si Dave at si Daddy sa. Loob nang sasakyan. Tawa kami nang tawa dahil si Daddy ay panay ang pagjojoke sa amin.
"Ito sagutin niyo ha. Paano matulog ang kuba?" tanong nito sa aming dalawa na agad naman nag iisip nang sagot
"Edie nakadapa mahihirapan yon kapag nakahiga na katulad sa atin" paliwanag pa ni Dave
"Engggkkkk" sabi pa ni daddy na ang ibig sabihin ay mali ang sagot nito.
"Nakatuwad po" sabi ko nalang na agad namang ikinatawa ni Dave at ni daddy
"Ano ba yan Loraine Iha. Ang halay naman nang sagot mo." lumakas pa lalo ang tawa nila. Habang ako ay nagtakip nang tenga dahil sa pagkapahiya
"Pero mali parin Iha hahaha. Ano seret na kayo? " tanong muli nito.
"Sige po seret na" sabay na sagot namin ni dave
"EDIE NAKAPIKIT" malakas na turan nito sabay tawa
Nang magets namin ni Dave ay tawa rin kami nang tawa. Hindi ko akalain na may ganitong side pala ang daddy ni Dave dahil na rin siguro sa postura at tindig nito kapag kaharap ang mga empleyado.
Nang makarating kami sa Kompanya ni Dave ay agad agad naging seryoso ang mga mukha nito na parang hindi nakipag tawanan sa kotse kanina. Naku naman talaga ang mga STONE.
Rinig na rinig ko ang bulong bulungan nang mga empleyado kong sino ako. Pero hindi ko nalang ito pinansin.
Nang makapasok kami sa Office ni Dave agad agad namang nawala ang pagkaseryoso nang dalawa na agad ko naman ikinalito. Bipolar Ata ang mga stone hihihi.
Pumasok naman ang isang batang babae na satingin ko ay nasa walong taong gulang.
"KUYA DAVEEEEE AT TITOOO NINNNOOOONG?" Sigaw nang bata habang papalapit kay daddy
Nang makalapit na siya ay agad nito itong niyakap at lumapit naman ito kay Dave at niyakap din ito. Tumingin ang bata sa akin at Nagulat ako dahil niyakap niya rin ako.
"Are you an angel?" tanong nito sa akin na pinagtaka ko. Matagal bago magproseso sa utak ko ang tanong niya.
"LUCY! mukha lang anghel si Tita Loraine pero tao pa rin yan" biglang sabat ni Fernando na kakapasok palang sa pintuan. Kaya agad din akong napatingin sa kaniya.
"Fernando anak mo siya?" tanong ko dito
"Hindi no! Wala akong anak na makulit" sabi nito na ikinainis nang bata
"Bad ka talaga tito Fernando. Asan na Yong barbie ko!" Inis na pagmamaktol nang bata
"Eh ayaw kitang bigyan dahil makulit ka. Inaway mo nanaman si Kyle sabi niya sa akin sinapak mo daw siya" sabi naman ni Fernando na parang bata
"Dapat lang yon kay Kyle dahil kiniss niya ako sa lips." sagot ni Lucy
Agad namang tumawa si Daddy. Habang si Fernando at Dave ay hindi makapaniwalang ginawa iyon nang kapatid niyang si Kyle.
Inaya ko nalang si Lucy na lumabas dahil mag uusap silang mag aama. Hindi ko alam kong tungkol sa business o pati na rin kay Kyle sa kapatid nilang bunso.
"Tita Loraine you know Kyle?" tanong nito sa akin
"Oo naman. Siya ang bunsong kapatid ni Kuya Dave mo diba?" agad naman itong tumango
"Tita Loraine crush ko po si Kyle. Secret lang natin to dahil aasarin niya ako." nahihiya pang sabi ni Lucy
"Oo naman sige. Halika bili tayo nang barbie at dress mo para maganda ka sa paningin ni Kyle" sabi ko pa dito na ikinatuwa niya
Alam kong napakabata pa ni Lucy sa pag amin na nagugustuhan niya si Kyle pero malay natin sila pala ang magkatuluyan bandang huli.
Buong araw kaming nag ikot sa mall at kumain. Nang papauwi na kami ay may nabunggo kaming babae
"Hey! Ano ba. Hindi kayo tumitingin sa dinadaanan niyo. Buntis ako oh hindi niyo ba nakikita?" mataray na sabi nito sa amin
"Sorry. Hindi namin sinasadya" sabay tingin ko sa babae at Nagulat ako dahil Si Beatrice ang nasa harapan ko.
"Ow Lucy? Baby ikaw pala yan? Sino yang kasama mong babae?" sabi nito sa batang si Lucy na hawak hawak ang barbie na binili namin
"Bad ka talaga ate Beatrice" sabi nito na ikinagulat ko kaya agad akong lumevel sa mukha nito
"Baby lucy bad yan. Ate mo siya huwag kang magsalita nang ganyan okey ba yon baby?" sabi ko dito habang nakahawak sa mukha niya at pinaaalahanan siya
"Ow. Tinuruan mo siguro nang masamang ugali ang batang yan. Ikaw siguro ang bagong yaya niyan" sabi ni Beatrice na mataray pa rin kaming kinakausap
"Pasensya na talaga sige aalis na po kami" yon nalang ang sinabi ko at akmang tatalikuran na siya
"Sa susunod bantayan mo yang alaga mo ha? Atsaka turuan mo nang good manners. Naturingan kang yaya pero wala kang kwenta" sabi nito sabay lagpas sa amin
Hindi ko pinansin ang mga sinasabi niya. Tinitingnan ko lang ito habang naglalakad may kakaunting baby bump na ito. Lumalaki na talaga ang anak nila ni Dave. Napukaw ang pag iisip ko nang yayain na akong bumalik ni Lucy sa opisina ni Dave.
BINABASA MO ANG
SECRETLY MARRIED ❤️ (COMPLETED)
RomanceIsang araw lamang na pagkikita Isang laro ang ginawa Isang araw ang sisira Sa dapat na itinakda. Larong kasal-kasalan ay nauwi sa totohanan. Isang mapaglarong tadhana ang nangyari sa kanila Loraine De Guzman at Dave Jaycee Stone. paano nila ito mata...