Maaga palang ay nagising na si Loraine at Dave upang asikasuhin ang mga bata.Si Loraine na ang naghatid sa dalawang bata dahil malelate na si Dave sa kaniyang trabaho.
Pagkagaling naman sa paghahatid ay dumiretso na ito sa daycare center kong saan siya nagtatrabaho.
Naging maayos at Masaya naman ang araw niyang iyon dahil mas lumambing ang mga batang kaniyang inaalagaan.
Maya maya lang ay napukaw ang atensiyon niya sa isang text message.
Hindi na siya nagulat nang magtext si Dave. Kinuha kasi nito kanina ang number niya bago ito pumasok sa opisina. Ipinapaalam nito na siya na ang magsusundo sa mga bata dahil gusto nitong makabonding sina Rain at Storm.
Pumayag naman siya dahil alam niyang gusto nitong makuha ang tiwala nang mga anak niya. Hindi rin kasi biro ang malayo dito nang ilang taon. Mahihirapan din siyang paamuhin ang anak niyang si Storm dahil masyado itong palaban mula pa noon.
Pauwi na sana siya nang makita ang isang bata na nag aantay sa waiting shed nang kanilang daycare center. Nilalapitan naman niya ito dahil mukhang malungkot ito at hindi pa dumadating ang sundo niya.
"Hi Lloyd" bati niya sa bata. Kilala niya ito dahil ito ang pinakamailap sa mga batang tinuturuan niya dahil mayroon itong panphobia.
Hindi ito kumibo at nanahimik lang at nakatingin sa akin. Ito ang unang araw na hindi ito nagtatakbo dahil sa takot sa akin.
Ganon kasi ang sakit niya. Pero kahit ganoon ay nakikita kong napakabait nang batang to.
"Totoo nga ang sinabi ni Daddy mabait ka nga." malungkot na turan nito.
Nagulat pa siya pero naaalala niyang ito pala ang anak ni Beatrice na tinuring ni Dave na isang anak.
"Ayuko sayo. Kinuha mo ang daddy ko sa akin. Siya nalang ang mayroon ako tapos kukunin niyo pa." diretsong turan nito sa akin.
Tumakbo naman ito sa yaya niyang kakababa palang nang kotse. Nasaktan ako sa tinuran niya dahil alam Kong iniisip niya na dahil sa amin ay iiwan na siya nang kaniyang daddy pero ayuko namang mangyari yon dahil alam Kong mabait siyang bata at gusto niya lang din nang buong pamilya.
Gusto ko pa sana siyang habulin para ipaliwanag sa kaniya ang mga nagyayari pero tuluyan na itong sumakay sa kotse at umalis.
BINABASA MO ANG
SECRETLY MARRIED ❤️ (COMPLETED)
RomanceIsang araw lamang na pagkikita Isang laro ang ginawa Isang araw ang sisira Sa dapat na itinakda. Larong kasal-kasalan ay nauwi sa totohanan. Isang mapaglarong tadhana ang nangyari sa kanila Loraine De Guzman at Dave Jaycee Stone. paano nila ito mata...