CHAPTER 58

367 8 0
                                    


Tuwang tuwa ang mga bata nang makarating sa bahay dahil sa maraming mga laruan at kong ano Ano pa.

"Dave. Masyado mo naman inispoiled ang mga anak mo" turan ni Loraine sa lalaki

"love naman. Ngayon ko lang sila nabilhan nang mga laruan kaya pagbigyan muna ako" sabay yakap nito kay Loraine bilang paglalambing.

Masaya silang kumain sa hapakainan. Punong puno nang kasiyahan ang mga araw nila dahil nabuo na ang kanilang pamilya.

Tulog na tulog na ang dalawang bata sa pagod samantalang ang mag-asawa naman ay nag uusap pa rin.

"Pwede ba akong magtanong Dave?" turan ni Loraine sa nag aalangang boses.

"Oo naman Love. Ikaw paba malakas ka kaya sa akin" sabay ngiti nito

"Nasaan si Beatrice?" malungkot kong tanong dahil naalala ko si Lloyd.

"Nasa isa siyang mental institution. Hindi na niya kinaya ang mga pangyayari. Noong manganak siya ay naalala niya ang lahat nang nangyaring panggagahasa sa kaniya. Dinadalaw namin siya ni Lloyd para makita niya ang mama niya." paliwanag nito

"Pinaliwanag mo na ba kay Lloyd ang lahat?" tanong kong muli

"Ayuko man masaktan siya dahil tinuring ko na siyang isang anak ay hindi ko naman pwedeng itago ang katotohanan. Matalinong bata si Lloyd kaya alam Kong maiintindihan niya ang lahat" pagmamalaking turan nito

"Pwede bang bukas ay dalhin mo siya dito?" nag aalangan kong tanong sa kaniya

"Oo naman. Sigurado akong matutuwa yon dahil mula pagkabata ay naging mailap na siya sa mga tao. Sinasaktan siya ni Beatrice noong bata pa siya kaya pinagtatawan ito nang mga kaklase niya tuwing pumapasok siya. Nang malaman ko yon ay kinuha ko siya kay Beatrice kaya naman naging malapit kami sa isa't isa. " paliwanag pa nito

Napaisip naman si Loraine. Kaya naman pala ganon nalang ang lungkot nito at Pag aakalang inagaw namin si Dave sa kaniya dahil ito lang ang tunay na nag mahal at nag alaga sa kaniya.

SECRETLY MARRIED ❤️                     (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon