Hinahanap ni Storm ang kaniyang kapatid na si Rain dahil kanina pa ito hindi nagpapakita.Nakita niya itong may kasamang batang lalaki na kasing edad lang nila kaya agad niya itong nilapitan
"Buti kapa may daddy kami wala e" rinig niya pang turan ni Rain ang kaniyang kapatid. Kahit rin naman siya ay gustong makita ang daddy nila pero iniiwasan nang mommy nila ang tungkol dito
"Mayroon nga akong daddy. Sinasaktan naman ako nang mommy ko" malungkot na turan naman nang batang lalaki.
Hindi na nakatiis si Storm at agad pinuntahan ang dalawang batang nagkwekwentuhan.
"Rain andito kalang Pala. Hinahanap kana ni Mommy halika na" tawag ko dito pero nag taka ako dahil ang batang kausap nito ay biglang nagtago sa puno.
"Huwag kang mag alala Lloyd. Kuya ko si Storm hindi ka niya sasaktan mukha lang monster Yong face niya" sabay tawa pa ni Rain
Hinabol ko naman siya dahil sa sinabi niya naglaro na kami nang taya tayaan hanggang sa nakisama na rin sa amin ang batang lalaki na si Lloyd.
Ilang minuto ang lumipas ay napagod na kaming tatlo sa kakalaro kaya nagpresinta na akong kumuha nang tubig naming tatlo.
Nang makaalis si Storm ay biglang pasok naman ni Dave sa isang garden at doon niya nakita ang anak anakan niyang si Lloyd.
Nagtaka pa si Dave dahil may kasamang batang babae ang anak niya. Kilala niya si Lloyd na takot sa mga tao kaya labis ang pagtataka nito sa nakita.
"Lloyd anak?" tawag niya dito. Nang mapansin siya nang bata ay agad itong nagtatakbo sa kaniya at niyakap siya.
"Mabuti naman daddy at nakarating kayo agad" turan nito habang nakayakap parin sa kaniya
"Syempre naman. Ikaw pa ba love love ka ni daddy" sagot niyang muli.
"Halika daddy may ipapakilala ako sayo." sabay hila sa kaniya nang anak
"Rain ito ang daddy ko. Daddy ito naman si Rain Pinaka una Kong Friend." pagmamalaki pa nang anak niya
Hindi niya alam Kong namamalikmata lang siya o sadyang kamukha talaga ni Loraine ang batang nasa harapan niya.
"Hi sir. Pwede ba kitang tawaging daddy? Wala po kasi akong daddy. " biglang turan pa nito.
Napatango naman agad ako. Mag tatanong palang sana ako kong anong pangalan nang mama niya pero biglang nakarinig kami nang munting sigaw.
"Rainnnnn? Llyoodddd andito na ang tubig may biskwet din akong dala." sigaw nang isang batang lalaki habang papunta sa pwesto namin.
BINABASA MO ANG
SECRETLY MARRIED ❤️ (COMPLETED)
RomanceIsang araw lamang na pagkikita Isang laro ang ginawa Isang araw ang sisira Sa dapat na itinakda. Larong kasal-kasalan ay nauwi sa totohanan. Isang mapaglarong tadhana ang nangyari sa kanila Loraine De Guzman at Dave Jaycee Stone. paano nila ito mata...