LORAINE POVNandirito ako sa Hospital. Umuwi na muna si Axel upang ako naman ang tumingin kay Ever. Masasabi Kong napakabait na bata ni Axel kaya hindi ako tututol kong sakaling ligawan niya ang kapatid ko si Ever.
"Ate bakit parang malungkot ka nanaman.?" tanong pa nito
"Nah hindi malungkot si Ate. Sadyang namimiss ko lang ang Beybi Ever ko" sabay yakap sa kaniya
"Ehhh. Hindi naman na ako Beybi e. 15 na kaya ako ate." sabi nito na ikinatawa ko.
Natigil ang tawanan namin nang may magsalita sa likuran ko.
"Hi Loraine. Iniwan mo naman ako sa bahay yan tuloy hindi ako nakasama Papunta dito. Mabuti nalang nagtanong tanong ako sa bayan. Ow hi Ever. Ito oh para hindi ka naman maboring dito" sabay abot ng isang babasahin kay ever.
"Salamat po. Kayo po ba ang Boyfriend ni Ate? Wala po kasing nakwekento si Ate sa akin mahiyain po ito sa pag dating sa ganyan" turan ni Ever
"Ever magbasa kana muna diyan. Kakausapin ko lang to" sabay hila ko kay Dave
"Anong ginagawa mo dito ha? Diba ang sabi ko sayo umalis kana dahil wala kang mapapala sa akin" deretsang sabi ko dito
"may apat pa akong araw para magbakasyon kaya sana pag bigyan mo muna akong dito manuluyan sa inyo. Pagbalik ko sa maynila mga papeles nanaman ang makakaharap ko kaya sana payagan muko." sabi nito.
Napabuntong hininga nalang ako at pumayag na din bandang huli.
Nakakapagtaka naman dahil hindi pa bumibisita si Alex kaya tinanong ko ang kapatid ko tungkol sa kaniya.
" Asan si Alex bakit hindi ko ata nakitang bumisitang muli dito? " tanong ko sa kaniya
"Ewan ko din ate. Sabi niya may gagawin daw muna siya hanggang ngayon hindi pa bumabalik." sabi naman nito
"Alam mo ate ngayon ko lang napansin na ang ganda nang kombinasyon nang pangalan ninyo ni Kuya Dave. Kapag pinagsama ito ay magiging LOVE" Natawa naman ako sa sinabi niya samantalang si Dave ay nag iisip nang malalim
Sa buong araw na iyon ay nagkwentuhan at nagtatawanan lang kaming dalawa.
Kinagabihan nasa bahay na kami ni Dave. Napagdisisyunan kong tanggapin ang alok nito na maging asawa niya at bibigyan siya nang anak. Ang kapalit nito ay ang pagpapagamot ni Ever upang hindi na ito mahirapan.
Natulog ako nang may ngiti sa labi dahil magagamot na din ang kapatid ko.
BINABASA MO ANG
SECRETLY MARRIED ❤️ (COMPLETED)
RomanceIsang araw lamang na pagkikita Isang laro ang ginawa Isang araw ang sisira Sa dapat na itinakda. Larong kasal-kasalan ay nauwi sa totohanan. Isang mapaglarong tadhana ang nangyari sa kanila Loraine De Guzman at Dave Jaycee Stone. paano nila ito mata...