Natigilan si Dave nang makita ang itsura nang batang lalaki.Lumuhod agad ito kapantay nang mukha nang batang lalaki. Hindi siya pwedeng magkamali ganitong ganito ang itsura niya noong bata palang siya.
"Anong pangalan nang mommy niyo?" pabulong ko nang turan sa kanila
Magsasalita na sana ito nang may sumigaw nanamang isang babae at tinatawag silang dalawa.
"Rainnnn, Stoorrmmm. Andiyan lang Pala kayo. Halina at uuwi na tayo" sigaw nito
Natigilan kaming dalawa nang magkatitigan kaming dalawa. Kahit medyo malayo ang pwesto niya ay alam na alam Kong siya yon. Siya ang matagal ko nang hinahanap at minamahal.
"Loraine" pabulong kong sambit sa pangalan niya.
Lumapit naman ito at binuhat ang dalawang bata. Hindi manlang ako nito pinansin. Hindi ko na hahayaang mawala pa siya sa piling ko kaya agad ko siyang niyakap.
"Love huwag muna akong iwan. Hinding hindi ko na kakayanin" sabay iyak ko dito
"Hala sir bakit ka umiiyak?" tanong pa nang batang babae
"Sir bitiwan mo ang mommy namin kundi susuntukin kita. Inaaway mo lang siya e." matapang naman na turan nang batang lalaki
"Bitiwan muko Dave. Pinapili na kita noon at mag stay kana sa kong anong pinili mo noon" sabay alis nito bitbit ang mga bata
Nilapitan ko naman si Lloyd na tanong nang tanong kong anong nangyayari pero wala akong sinabing kahit Ano. Alam Kong masasaktan siya dahil hindi pa namin nasabi ang katotohanan na hindi niya ako tunay na ama.
Nang maihatid ko si Lloyd sa bahay ko kasama ang mga yaya niya ay bumalik ako sa daycare center upang kunin ang address ni Loraine.
Hindi naman ako nabigo dahil ibinigay ito nang kapwa niya teacher.
Nahirapan pa ako nang una dahil hindi ito naniniwalang asawa ko si Loraine mabuti nalang at naipakita ko ang mga picture namin noong nagbakasyon kami.
BINABASA MO ANG
SECRETLY MARRIED ❤️ (COMPLETED)
RomanceIsang araw lamang na pagkikita Isang laro ang ginawa Isang araw ang sisira Sa dapat na itinakda. Larong kasal-kasalan ay nauwi sa totohanan. Isang mapaglarong tadhana ang nangyari sa kanila Loraine De Guzman at Dave Jaycee Stone. paano nila ito mata...