LORAINE POVMaaga palang ay nagaayos na kami ni Dave para pumunta sa Hospital. Naging maayos ang pag-uusap namin kagabi at napagdesisyunan namin na magsamang dalawa kapalit non ang pagpapagamot kay Ever sa ibang bansa. Noong una ay ayaw pa nitong pumayag sa gusto ko pero ayukong magkaroon nang utang na loob sa kaniya. Napagkasunduan namin na matapos kong manganak ay iiwan ko na ang anak namin sa kaniya at hahayaan niya akong mabuhay kasama si Ever sa ibang bansa.
“Love? Tikman mo tong niluto ko para kay Ever.” Agad agad naman akong pumunta sa harapan niya upang tikman ang niluto nito.
“Ang sarap. Ang galing mo talagang magluto Dave.’’ Sabi ko dito. Nagtaka naman ako dahil nakasimangot ito habang nakatingin sa akin.
“Bakit hindi mo ako tinatawag na love?’’ nakasimangot pa ring sabi nito.
“Hahaha. Nahawa kana kay Ever.” Sabay hampas ko sa braso niya
“Tama naman kasi siya. Loraine para sa LO at Dave para VE Kapag pinagsama ay makakabuo ng LOVE’’ sabay ngiti nito sa akin
“Hahaha ewan ko sayo. Bilisan mo na diyan.’’ Nang matapos namin ang paghahanda ay pumunta na kami agad sa Hospital sa bayan.
Habang papalapit kami sa higaan ni Ever ay may natanaw akong lalaki at babae na nasa harap nito.
“ATE?” pasigaw na tawag sa akin ni Ever kaya napatingin ang dalawang bisita niya sa akin. Kitang kita ko ang pag-usog nila sa gilid nang kama ni Ever na parang binibigyan nila ako nang daan para sa kapatid ko.
“Kamusta naman ang pakiramdam mo?” sabi ko dito. Nakikita kong galing ito sa pag-iyak dahil namumula pa ang mga mata nito kaya hindi ko napigilang magtanong muli.
“Umiyak kaba Ever? Anong problema?” takang tanong ko ngunit hindi parin ito nagsasalita. Naramdaman ko namang lumapit sa akin si Dave kaya tumingin ako dito. Nakita ko sa mga mata niya ang pagyayaya nito sa aking lumabas muna.
Wala na akong nagawa kundi ang lumabas at sumama sa kaniya. Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak nang nasa labas na kami nang hospital.
“Dave ayukong mawala sa aking si Ever. Hindi ko kayang malayo sa kaniya dahil siya nalang ang pamilya ko’’ sabi ko sa kaniya habang humahagulgol na.
“Tahan na Love. Huwag kanang umiyak nandiyan sila upang kausapin ka. Gusto mo bang samahan kitang harapin sila?” tanong pa nito sa akin habang inaalo ako.
“Kaya ko to Dave. Puntahan mo muna si Ever para may kasama siya sa loob’’ kita ko sa mukha niya ang pag-aalangang iwan ako pero pinilit ko ito dahil gusto kong makausap nang sarilinan ang mga magulang ni Ever
“Andito lang ako Love.” Sabay halik nito sa aking nuo at nagpaalam na.
Hinarap ko naman ang mga magulang ni Ever. Alam ko na agad na sila ang mga magulang nito dahil hawig nila ito.
“Bakit kayo nagbalik? Masaya na kami ni Ever. Bakit kailangan niyo pang guluhin ang lahat?” tanong ko dito sabay hagulgol nanaman.
“Loraine gusto sana naming ipagamot si Ever sa ibang bansa. Sana pumayag ka dahil sa ganitong paraan lang kami makababawi sa anak ko. Loraine mali ang pagkakaintindi mo. Hindi namin iniwan ang anak ko. Walang inang gugustuhing mawalay sa piling nang kaniyang anak’’ sabi nito na nagpatigil sa aking pag-iyak hindi ko alam kong bakit ako natamaan dahil naalala ko ang Kasunduan namin ni Dave na kapag nakapanganak ako ay iiwan ko ang bata sa kaniya.
“Matagal na nawala sa akin ang aking anak. Isang araw iniwan ko ang anak ko sa yaya niya dahil pumasok ako sa loob upang magtimpla nang gatas hindi ko alam na matagal na pala kaming minamanmanan nang nakuha kong yaya at tinangay ang anak ko. Kahapon lamang namin nakita ang yaya niya at inaming tinangay nga nito ang anak ko. Gusto sana niyang ibenta ang bata pero nakonsensiya siya kaya iniwan nito ang bata sayo” dahil sa narinig ko ay mas lalo akong nasaktan dahil hindi pala totoo ang masamang hinala ko sa mga ito. Hinusgahan ko sila kahit hindi kopa naririnig ang mga paliwanag nila. Agad akong tumakbo sa kwarto ni Ever at niyakap siya.
BINABASA MO ANG
SECRETLY MARRIED ❤️ (COMPLETED)
Storie d'amoreIsang araw lamang na pagkikita Isang laro ang ginawa Isang araw ang sisira Sa dapat na itinakda. Larong kasal-kasalan ay nauwi sa totohanan. Isang mapaglarong tadhana ang nangyari sa kanila Loraine De Guzman at Dave Jaycee Stone. paano nila ito mata...