CHAPTER 23

332 9 0
                                    


LORAINE POV

Nagulat pa ako dahil dito kami dinala ni Lily. Sabi ko dito ay mamamalengke kami.

"Lily? Bakit tayo naririto? Magpapaayos kaba? Dapat deneretso mo nalang ako sa palengke." sabi ko dito

"Monthsary nang kasal niyo ni Kuya Dave kaya dapat maganda ka ate Loraine." sabi pa nito

"Pero wala akong pambayad dito. Tama lang ang sweneldo ko sa karinderya para sa ihahanda ko mamaya."

"Ako na ang bahala ate Loraine." sabi nito

"Ayuko. Hindi ako Magpapaayos kong wala akong pera" akmang aalis na ako nang magsalita itong muli

"Ate Loraine naman. Bayaran mo nalang ako kapag nagkapera kana please. Pumayag kana" mahabang pilitan ang nangyari at sa bandang huli ay napapayag niya din ako.

Pagkatapos kong ayusan ay agad akong humarap sa kanila Finity at Liliy. Hindi ko alam kong Bakit nakanganga itong mga to.

"Ahhhhh sobrang ganda ko ate Loraine" Tili ni Lily na nagpabasag nang eardrum ko haha charott.

"Parang gusto ko na talagang maging tomboy ate Loraine" sabi naman ni Finity

"Loka ka!" sabay batok ko dito.

Sumakay na kaming muli sa sasakyan at nang makarating kami sa palengke ay para akong prinsesa na pinapayungan nila.

"Ano ba yan? Para naman akong prinsesa niyan e." sabi ko pa

" eh masisira ang ayos mo ate. Sabi ko naman kasi sayo kami nalang ang mamamalengke tapos ilista mo nalang" sabi ni Lily

"Oo nga e. Dapat pala nagluto na tayo bago tayo pumuntang parlor." sabi pa ni Finity

"Ano ba kayo. Tara na nga at mamalengke para makapagluto na tayo." sita ko sa kanila

Nang matapos kami mamalengke ay agad kaming nagluto. Natatawa pa ako sa dalawa dahil pinagpipilitan nilang sila nalang ang gagawa dahil mangangamoy ulam ako pero hindi ako pumayag dahil gusto ko paghihirapan ko ang kakainin ni Dave.

Nang matapos magluto ay pinakain ko muna ang dalawa. Nang matapos ay nagpaalam na itong umuwi.

"Ate Loraine aalis na kami ni Ate Lily baka maabutan namin si Kuya Dave nakakahiya naman po" sabi ni Finity

"Aalis na kami. Ayusin mo ang performance mo mamaya ah. Galingan mo ang pagsubo dapat isagad mo para masarapan si kuya."  sabi pa nito na ipinagtaka ko

"Ha? Ano ang isusubo?" tanong ko dito. Nagulat naman siya sa tanong ko.

"Ate Loraine kasal ba talaga kayo? Bakit hindi mo alam yon. May nangyari naba?" tumango nalang ako bilang sagot

"Jusko. Maghahanap talaga si Kuya Dave niyan kong siya lagi ang kumikilos. Ate Loraine kailangan mo ring lambingin ang Jr. niya para mas masarapan siya." sabi pa nito

"Sino si Jr.?" tanong kong muli. Narinig ko namang tumawa si Finity sa tanong ko

"HAYYYY maloloka ako sayo ate Loraine. Yong Jr na tinutukoy ko Yong putotoy ni Kuya Dave." sabi nito na ikinapula ko na mas ikinatawa nang dalawa

"Ah eh sorry. Sabi kasi ni Dave Jun Jun daw ang pangalan non hindi naman Jr." mas lalong naghagalpakan sa kakatawa ang dalawa

Sa huli itinuro ni Lily sa akin kong ano ang gagawin para mas masiyahan si Dave kaya naman ipinangako ko sa kanilang gagawin ko yon.

Nang makaalis sila ay nagbihis at nag ayos na ako. Sabi pa naman ni Dave ay wala pa Alas siyete nandito na siya kaya nagmadali na ako.

Nag antay ako nang nag antay pero alas otso na nang gabi pero wala paring Dave ang dumarating.

Hindi ako nawalan nang pag-asa kaya nag antay pa rin ako nang nag antay. Kumukulo na ang tiyan ko sa gutom dahil wala rin akong tanghalian kanina dahil busy sa pagluluto.

Tiningnan ko ang orasan at 10:00 na nang gabi. Lumabas ako nang bahay at nag antay sa pintuan. Nag aalala ako dahil madalas 9 palang ay naririto na yon.

Nakapagdesisyon akong maghanap nang tindahan upang makitawag para malaman ko kong nasa opisina pa rin si Dave.

Malayo layo rin ang nilakad ko nang makakita ako nang tindahan na bukas. Dinial ko ang numero sa opisina nito pero hindi sumasagot pati ang telepono ni Dave ay hindi rin sumasagot kaya napagpasiyahan ko nalang na umuwi.

Sa kamalas malasan ay umulan nang malakas. Dahil sa kagustuhan ko nang umuwi ay hindi ko ininda ang ulan at Tumakbo ako nang tumakbo. Pagkarating ko sa bahay ay wala pa ring Dave akong nakita. Doon na ako umiyak nang tuluyan. Nagbihis nalang ako at nahiga na sa higaan.

"Nakalimutan niya ang pangako niya" bulong ko nalang at nakatulog na.

SECRETLY MARRIED ❤️                     (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon