CHAPTER 36

309 9 0
                                    


Maaga akong nagising at ramdam kong wala na akong katabi. Tumayo na ako upang maghilamos at dumiretso sa labas upang hanapin si Dave.

Nakita ko si Ate Reign na nag hahanda nang pagkain sa mga basket kasama ang kaniyang anak na si Sharamaine na malapit nang magdalaga.

"Oh ikaw Pala. Hinahanap mo ang asawa mo? Nasa bukid siya ngayon kasama ni Charles at nang ibang kalalakihan dito sa bayan. Gusto mo bang sumama? Pupunta kami doon dahil ibibigay namin itong mga pagkain." turan nito

"Opo sige sasama po ako" ngiting ngiting turan ko

"Oh sige maghanda kana. Magpalit kana nang damit mo dahil baka magalit ang asawa mo kapag maraming tumitig sayo roon. Ganyan kasi ang asawa Kong si Charles napakaseloso" sabay ngiti nito. Makikitang mahal na mahal nila ang isa't isa.

Nang makapagbihis nang damit na pantulog ay naghanda naman ako nang mga bimbo at damit na isusuot ni Dave dahil sigurado daw na pawisan ito doon.

Naglalakad kami kasama ang ibang mga babae na asawa din nang ibang nagsasaka. Buhat Buhat ko ang batang si Clinton sobrang cute nito dahil sa katabaan at sobra ring madaldal.

"Ate Loraine hindi kana po aalis dito?" inosenteng tanong nito.
Sa edad nitong apat na taong gulang ay marunong na siyang magbilang at magsalita nang tuwid.

"Hindi pwedeng manatili si Ate Loraine dito dahil may buhay siya sa siyudad" sagot ni Sharamaine

Nakita ko namang iiyak na si Clinton kaya minabuti ko itong aluin.

"Huwag kang mag aalala babalik din si Ate Loraine dito" ngiting ngiting turan ko kaya napangiti na rin siya

Nang marating namin kong Saan nagsasaka ang mga lalaki ay agad na hinanap nang mga mata ko si Dave pero nainis lang ako nang makita Kong may kasama itong babae.

"Naku iha nakatutunaw yang mga titig mo ah" pukaw na asar ni Kuya Charles sa akin

"Pasensiya kana iha. Akala siguro ni Norma na walang asawa si Dave. Hayaan mo at pagsasabihan ko yang batang yan" Paamo naman sakin ni ate Reign pero kahit anong gawin ko ay naiinis pa rin ako

"Hayaan niyo nalang po. Mukhang gustong gusto naman niya e." sabay alis ko papunta kay Clinton na naglalaro pa.

Ilang minuto lang ang lumipas ay lumapit na sa akin si Dave at agad agad akong niyakap sa likod ko.

"Hi Love ko. Akala ko tulog kapa" paglalambing niya sakin pero agad akong kumalas at binato sa kaniya ang towel na dala dala ko.

"Love galit kaba? Bakit lumalayo ka sakin?" tanong nito simula nang iniiwasan ko siya at panay dikit kay Clinton na naglalaro lang.

Akala ko ba mahal niya ako tapos Makikita Kong may kalandian siyang iba. Napakasinungaling niya.

SECRETLY MARRIED ❤️                     (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon