LORAINE POVMaaga akong gumising upang pumunta kanila Aling Pasing dahil tatanggapin ko ang mga labahan niya. Dagdag pambayad din ito sa Hospital kong nasaan ang kapatid kong si Ever. Kahit hindi ko ito tunay na kapatid ay masasabi kong minahal ko ito. Iniwan si Ever sa harap nang bahay ko kaya naman kinupkop ko ito na parang tunay na kapatid. Ngayong kinse anyos na ito mas lumala ang sakit nito sa puso. Ayon sa doktor nasa lahi daw nila Ever yon.
Katok ako nang katok sa bahay ni Aling Pasing ngunit walang bumubukas. Sa isip isip ko baka hindi nito naririnig kaya kasabay nang katok ay ang pag sigaw ko nang pangalan nito.
"Aling Pasing?? Aling Pasing??" bumukas naman ang pinto ngunit hindi si Aling Pasing ang Lumabas kundi ang anak nitong si Bino.
"Ano ba yan Leng Leng istorbo ka sa pagtatalik namin ni Shiela. Sigaw ka ng sigaw nang pangalan ni mama. Gusto mo bang isigaw din ang pangalan ko?" sabay lapit nito sa akin at Hinawakan ang mga braso ko.
"Ang ganda mo talaga Leng Leng. Kailan kaya kita matitikman?" tanong pa nito.
"Asa ka naman Bino. Tigil-tigilan muko sa pagkamanyak mo Kong ayaw mong mabasag yang dalawang itlog mo" sabi ko pa dito na hindi nagpapakita nang sindak. Akmang sasaktan na niya ako nang dumating si Aling pasing
"HOOYYYYYYY BINO!!! Bakit mo sasaktan si Leng Leng ha? Umayos kang bata ka! Hindi kita pinalaki para saktan ang mga babae." galit na usal ni Aling Pasing
"Bastos kasi yang si Leng Leng nay" hindi na natapos ni Bino ang sasabihin nang tiningnan siya nang masama ni Aling pasing
"Kilala kita Bino. May gusto ka dito kay Leng Leng kaya minamanyak mo nanaman to" sabi ni Aling Pasing na ikinainis ni Bino kaya umalis ito sa harapan namin
"Pasensya kana sa anak ko. May gusto lang talaga sayo yon" sabi ni Aling Pasing
"Aling Pasing wala po yon. Kukunin ko lang po sana ang ipapalaba niyo dagdag kita din po para kay Ever." sabay ngiti ko dito
Nang magpaalam na ako dito ay agad agad akong pumunta sa ilog upang maglaba. Hapon ko na natapos ang labahan nang bumalik ako sa bahay upang magsampay. Pagkarating ko Don ay humahangos na lumapit sa akin si Axel.
" Ate Leng Leng? Si Ever po kailangan na daw po operahan sa lalong madaling panahon sabi nang doktor. Kasalukuyan pong inaatake nanaman nang sakit si Ever ngayon." pagmamadaling sabi ni Axel ang kaibigan ni Ever dito sa probinsiya.
Kinuha ko ang pitaka ko at agad agad na kaming sumakay nang tricycle Papunta sa bayan.
Naabutan ko ang nanghihinang si Ever. Lumapit ako agad sa kaniya dahil alam kong hirap na hirap na siya.
"A-te le-ng?" sabi pa nito sa mahinang boses
"Ssshhhh huwag kanang magsalita Ever. Andito na si ate ipapagamot kita pangako. Huwag kang mawawalan nang pag-asa. Tandaan mo andito lang si Ate Leng Leng." hindi ko na mapigilang maluha dahil sa nakikita kong paghihirap ni Ever.
Nang makatulog ito ay nagpresinta si Axel na magbantay dito dahil kailangan kong ituloy ang paglalabad upang may pantustos kay Ever.
Sa paglalakad ko ay natanaw ko ang aking bahay na may mumunting ilaw. Hindi ako nagkakamali dahil tanging ilaw lang namin ay kandila. Napaisip tuloy ako Kong sinara ko ba ang pinto kanina bago ako umalis.
Kumuha ako nang kahoy na pamalo at tuloy tuloy na pumunta sa aking bahay.
Pagkabukas ko nang pinto doon ko nakita ang isang lalaking abalang abala sa pagkain. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha nito dahil sa munting ilaw nang kandila at bahagyang pagkayuko habang kumakain.
"SINO KA? BAKIT NANDITO KA SA BAHAY NAMIN?" sigaw ko dito.
"Pwede ba huwag kang sumigaw. Ang sakit kaya sa tenga." sabi pa nito na may pagkairita.
Nagulat ako nang mapagtanto ko Kong sino ang lalaking nasa harapan ko. Kahit isang araw ko lang siyang nakasama non sa paglalaro nang mga bata pa kami ay hinding hindi ko siya malilimutan.
"Da-Dave?" alangang tanong ko dito dahil hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko ang lalaking unang Inibig ko kahit nasa murang edad pa lamang ako non.
BINABASA MO ANG
SECRETLY MARRIED ❤️ (COMPLETED)
RomanceIsang araw lamang na pagkikita Isang laro ang ginawa Isang araw ang sisira Sa dapat na itinakda. Larong kasal-kasalan ay nauwi sa totohanan. Isang mapaglarong tadhana ang nangyari sa kanila Loraine De Guzman at Dave Jaycee Stone. paano nila ito mata...