CHAPTER 14

364 9 0
                                    


LORAINE POV

Nasa bahay na kaming dalawa ni Finity pero wala paring nagsasalita kaya pinutol kona ang katahimikang namamayani sa aming dalawa.

"Finity maaari kanang umuwi. Maraming salamat sa pagsama sakin" mahinang sabi ko dito

"Ate sorry. Hindi ko alam na ganon ang maabutan natin sa mall. Sorry talaga ate Loraine." umiiyak na sabi nito

"Huwag kanang umiyak. Wala kang kasalanan sa lahat ng nangyari nagpapasalamat ako sayo dahil nalaman ko ang totoo." sabi ko sa kaniya sabay yakap

Natigil ang iyakan naming dalawa nang may tumawag sa kaniya

"Hello ate Lily? Asaan ka bakit ang ingay diyan?" sabi nito sa kausap

"Pupunta ako diyan. Huwag ka munang magpakalasing" nagmamadaling sabi nito

"Ate Loraine maiwan na po kita kailangan kopong puntahan si Ate Lily dahil nagpapakalasing nanaman siya." sabi nito sakin

"Sasama ako." sabi ko dito na nagpatigil sa kaniya

"Hindi po pwede. Magagalit po sakin si Kuya Dave" malungkot na sabi nito. Halos lumuhod na ako dito para lang isama niya ako kaya sa huli ay ipinasama niya rin ako.

Agad agad kaming nakarating sa bar na sinasabi ni Lily. Sobrang daming tao at masasabi kong mga bitin sa damit ang mga ito.

Nakita namin agad si Lily na may kausap na lalaki kaya Pinuntahan namin siya at pinaalis ni Finity ang lalaki.

"Finity naman e. Bakit mo pinaalis Yong boylet? Mukha pa naman siyang yummy." lasing na turan ni Lily

"Ate Lily naman. Katawan mo lang ang habol non. Kitang kita ko ang mga titig nang manyak na yon. Tumigil kana." sabi nito habang Pinipilit na kunin ang basong tinutungga nito

"BAKIT? Si Fernando rin naman e. Katawan lang din ang habol niya sakin. Sabi niya mahal niya ako pero may iba pa siyang babaeng kinakama. Ang sakit sakit Finity." sabay iyak nito

Ako na ang kumuha nang basong hawak niya at tinungga ko iyon. Tumagay pa ako nang isa pa dahil nararamdaman ko pa rin ang sakit nang malaman kong may nabuntis na iba ang asawa ko.

" Ate Loraine pati ba naman ikaw. " sabi nito na ikinaupo nalang niya sa tabi ko at naki Shot na rin.

"Alam niyo yang Stone Brothers na yan mga mapanakit. Papaasahin tayong mahal na mahal tayo tapos kapag na fall na tayo sa kanila saka naman tayo bibitawang muli HAHAHAHAHA" sabay sigaw ni Lily

"Mga ate Mahal na Mahal ko si Inon pero iba ang mahal niya. Iba ang babaeng gusto niya. Hindi niya ako mapansin dahil sa itsura ko. Nasasaktan ako dahil kahit anong paramdam ko nang pagmamahal ko. Hindi niya parin ako napapansin" iyak naman ni Finity. Sa Wakas ay nagsabi na ito nang nararamdaman kay Inon dahil madalas ay tinatago niya lang ito.

"Ako nga naturingang asawa pero iba ang binuntis nang asawa ko." sabay tawa ko nang pagak

Nagulat naman si Lily at lumaki ang mga matang nakatitig sa akin. Parang nawala ang pagkalasing niya sa sinabi ko.

"Nakabuntis si Kuya Dave? SINO?" tanong nito.

"Beatrice" simpleng sagot ko.

"Walangya hindi pa rin pala nakatakas si Kuya Dave sa babaeng yon. Maharot talaga Yong babaeng yon!!!" Inis na Inis na sabi ni Lily

"Cheers para sa mga nasaktan" sigaw ni Finity

"Cheers para sa mga sinaktan ng STONE BROTHERS!!!" pagtatama ko

"Cheers" sabay sabay naming sabi

Tumayo na sina Lily at Finity at nagsasayaw sa Dance floor samantalang ako ay ninanamnam ang pait nang alak at ang sakit na nararamdaman ko.

Maya maya lang ay nakita kong may nagsusuntukan na sa Dance Floor nang makita ko si Fernando ay kinabahan ako dahil kong andito siya ibig sabihin lang non ay nandito rin si.....

Nagulat nalang ako nang may humila sa akin. Nakita ko ang galit na galit na Ekspresyon nito.

Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Hindi na ako tumutol at nagsalita pa.

Pumikit nalang ako dahil ramdam na ramdam ko ang aking pagkahilo. Narinig kong may kinausap si Dave sa cellphone niya.

Dumilat naman ako at nakita Kong nakaharap na to sa akin. Nakipagtagisan ako nang tingin dito.

"Ano? Isa kana rin bang kaladkaring babae ha? Nakakalimutan mo atang may asawa kana. " galit na galit na tanong nito sa akin.

Imbes na sumagot ay Natawa ako nang malakas dahil sa sinabi niya.
"HAHAHAHAHA Big Word. May asawa na ako. Papaalala ko lang din sayo. MAY ASAWA KANA DAVE!"

Nakita Kong nablangko ang reaksiyon niya kaya ipinagpatuloy ko ang gusto kong sabihin sa kaniya

"BAKIT hindi mo pa ako ginagalaw hanggang ngayon?" Tanong ko dito na ikinabigla niya.

"Ginagalang kita Love" malambing na sabi nito. Ginagalang ba talaga? Oh dahil may iba siyang ginagalaw at si Beatrice ito.

Nanahimik ako dahil ayuko nang magsalita dahil parang iiyak na ako. Pagkarating namin sa bahay ay agad niya akong tinulungang bumaba pero hinawi ko ang kamay niya at pasuray suray na naglakad.

Hindi naman ako masiyadong tinamaan kaya nakaya kong makarating sa kwarto na walang kagalos galos.

Naghalfbath ako upang mawala ang init at amoy nang alak sa akin pagkatapos non ay lumabas ako sa cr. Mabuti nalang at wala pa si Dave sa kwarto dahil hindi ko ito kayang harapin at kausapin pa.

SECRETLY MARRIED ❤️                     (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon