Tahimik sa loob nang kotse ni Dave habang tinutungo ang daan sa bahay ni Loraine.
"Saan tayo pupunta dad?" malamig na turan ni Lloyd.
"Anak gusto kong maging masaya. Magtiwala kalang kay daddy" sabay ngiti nito sa kaniya
Nakarating naman sila sa bahay ni Loraine. Nang Bumaba si Lloyd ay nagtataka pa ito sa pinuntahan nila.
Nang bumukas ang gate nang bahay ay napabusangot siya nang makita ang kaniyang teacher Loraine. Mabait naman ito pero ayaw niya dito dahil kukunin nito ang daddy niya.
Tuloy tuloy nalang siyang pumasok dahil ayaw niyang magalit ang daddy niya.
Napansin niyang maganda ang bahay nito at puro larawan nina Rain at Storm ang mga naging kaibigan niya nang isang araw. Para sa kaniya ay mga kaagaw niya rin ito sa daddy niya kaya hindi na niya ito tinuturing na kaibigan.
Natigil siya sa Pag iisip nang may yumakap sa kaniya.
"Kuyaaaaaa" nakompirma niyang si Rain ito pero naging malamig pa rin ang pakikitungo niya rito.
"Lloyd Tara kain na tayo" yaya naman sa kaniya ni Teacher Loraine kaya naupo na rin siya.
Kain lang siya nang kain dahil kahit ayaw man niyang aminin ay nasarapan siya sa luto nitong sinigang na baboy. Paborito ito nang daddy niya kaya naging paborito na niya rin ito.
"Paborito mo rin pala ang sinigang na baboy. Napacute mo habang kumakain ka" ngiting turan naman ni Teacher Loraine sa kaniya
Kumain nalang siya nang kumain at hindi pinansin ang sasabihin nito.
Maya maya lang ay nagyaya naman silang pumunta sa mall. Ayaw na sana nitong sumama dahil napakaraming tao doon pero pinilit si ni Teacher Loraine kaya napatango nalang siya.
Hawak hawak niya ang daddy niya dahil natatakot siya sa mga tao nag hoody rin siya para maiwasan ang mga titig nila.
Maya maya lang ay nagpaalam itong pupuntang restroom kaya kailangan nitong bumitaw sa kaniya. Sasama na sana siya pero hinawakan siya ni Loraine sa kaniyang kabilang kamay.
"Halika. Dito ka muna sa akin huwag kang mag alala hindi kita bibitawan" sabay ngiti nito. Hindi niya alam Kong bakit gumaan ang pakiramdam niya sa kaniyang teacher Loraine pakiramdam niya ay parang mommy niya ito kong magprotekta sa kaniya.
Iwinaglit niya sa isipan ang kong Ano Anong pumapasok dito. Iisa lang ang mommy niya at dapat yon lang ang mahalin nang daddy niya.
"alam Kong naiilang kapa sa akin pero sana tanggapin mo rin ako bilang mommy mo. Gustong gusto kong magkaroon nang mabait na anak katulad mo." sabay ngiti niya sa akin.
Hindi ko alam pero ngayon ko lang naramdaman ang pagmamahal nang isang ina.
BINABASA MO ANG
SECRETLY MARRIED ❤️ (COMPLETED)
RomanceIsang araw lamang na pagkikita Isang laro ang ginawa Isang araw ang sisira Sa dapat na itinakda. Larong kasal-kasalan ay nauwi sa totohanan. Isang mapaglarong tadhana ang nangyari sa kanila Loraine De Guzman at Dave Jaycee Stone. paano nila ito mata...