CHAPTER 49

344 9 0
                                    


LORAINE POV

Kinabukasan ay Maaga akong nagising para maghanda nang makakain namin at ibabaon nila.

Mahimbing pa rin na natutulog ang mga anak ko. Hindi ko maiwasang malungkot dahil nag tatanong na ito kong nasaan ang daddy nila.

Pagkagising nila ay inayusan ko na agad sila at pinakain. Tahimik pa rin si Rain hanggang ngayon. Hindi ko talaga alam ang sa sabihin at gagawin ko para hindi na nito isipin ang daddy niya.

Pumasok na ako sa daycare Center at nakakatuwa lang dahil napakabait nang mga teachers nang mga bata.

Mapapansin kong iba Pala ang daycare center na ito sa iba pang paaralan dahil ang mga bata dito ay special.

Sa unang tingin ay hindi mo ito mahahalata pero kapag na kasama mo na ito doon mo malalaman kong bakit sila espesyal.

Wala namang problema sa akin yon dahil nakakatuwa sila at napakababait.

"Hi mga bata. Ako si Teacher Loraine bago lang ako dito pero huwag kayong matakot sa akin. Pwedeng Pwede tayong maglaro lahat" Masaya kong bati sa kanila

Lahat naman sila ay nagyakapan sa akin. Dahil sa mas matangkad ako sa kanila ay mas mababa pa sila sa baywang ko. Isa isa ko silang niyayakap dahil mga napakalambing nila.

Muling naglalaro ang mga bata nang may mapansin akong batang lalaki na hindi nagsasalita.

"Hi bata. Anong pangalan mo?" tanong ko dito pero tumakbo lang ito sa isang sulok at isiniksik ang sarili niya doon.

"Cher. Ganyan talaga ang batang yan dahil may Panphobia siya. Ito ay uri nang phobia na kong Saan natatakot siya sa kong ano mang bagay. Ayon sa daddy nang batang yan mula sanggol palang ay sinasaktan na siya nang nanay niya. Pinagamot na rin siya mayroon siyang mga iniinon na gamot at kailangan daw malabanan ang takot niya kaya siya naririto." naawa naman ako sa bata dahil sa dinanas niya.

Umalis na lang muna ako sa pwesto nila dahil alam Kong natatakot pa siya sa akin dahil bagong kilala niya palang sa akin.

SECRETLY MARRIED ❤️                     (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon