CHAPTER 31

339 12 0
                                    


LORAINE POV

Lumipas ang mga araw naging masaya ang pamamalagi namin sa Lugar na ito. Sabi ni Dave dito nagmula ang kaniyang ina sa Bayan  ng maharlika.

Masasabi kong naging maganda ang pag tuloy namin dito ni Dave. Sa mga nakalipas na araw ay natutunan magtanim, mangisda at kong ano ano pa na hindi ko nagagawa sa bahay.

Wala rin kaming tigil ni Dave sa pagtatalik. Halos lahat Ata nang sulok nang bahay ay may nangyari na sa amin. Maski sa hagdan ay hindi ako nito pinalagpas mabuti na lamang ay hindi kami nahulog.

Tatlong araw nalang ang mayroon kami bago bumalik sa maynila. Napagdesisyunan ni Dave na umakyat kami ngayon sa bundok.

"Love handa naba ang mga dadalhin mo?" tanong nito sa akin na agad akong tumango bilang sagot.

"Love Tara na" yaya nito sa akin kaya nagsimula na naming ikandado ang bahay.

Habang naglalakad ay Pinipilit kong bahagian ako ni Dave nang mga bag na bitbit niya pero ayaw nitong mag patulong.

Makalipas ang ilang oras Napagdesisyunan muna naming Huminto dahil matagal tagal na rin kaming naglalakad. Inilatag namin ang isang sapin at naglatag na din nang pagkain. Nang makapagpahinga ay agad muli kaming naglakad papa akyat.

Makalipas ang ilang oras ay may mga nakakasabay na kami sa pag akyat sa bundok ng Mayundong. Isang babae ang lumapit sa amin at nanghihingi nang tinapay

"Hi pogi. Pwedeng makahingi nang tinapay mo?" sabay tingin nito sa katawan ni Dave.

Nakita Kong nakatingin ang mga kaibigan nito sa kaniya. Aba aba nabubuhay ang pagkaselosa ko dahil sa malanding to ah

"Miss pasensya na wala na kasi kaming tinapay" paghihingi nang paumanhin ni Dave

"Ay. Pwede bang yong tinapay mo nalang?" sabay kindat pa nito na ikinahiyaw nang mga kaibigan nito.

Hindi na ako nakapagtimpi kaya nagsalita na ako.

"Gusto mo bang suntukin ko yang mukha mo para naman maging tinapay Yong putok." matapang na turan ko dito

"Sino kaba ha?" mataray na sabi niya. Napamaywang naman ako at muling nagsalita.

"Ako lang naman ang asawa nang nilalandi mo. Higad kaba? Ang kati kati mo ha!" sabi ko dito na ikinainis niya. Akmang sasampalin ako nito nang humarang si Dave

"Subukan mong saktang ang asawa ko. Hinding hindi na kayo makakababa sa bundok na ito nang humihinga." banta nito sa mga babae.

Umalis naman kaming dalawa at iniwan ang mga babaeng nakanganga at napahiya.

SECRETLY MARRIED ❤️                     (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon