CHAPTER 48

350 12 0
                                    


Hindi pa rin maiwasang maluha ni Loraine nang maalala ang nakaraan kong papano siya hindi pinili ni Dave.

Sigaw ni Beatrice ang narinig namin mula sa kwarto bago pa makaalis si Dave para puntahan ang babae ay pinapili na niya ito. At tama nga siyang hindi siya pipiliin nang lalaking sobrang minahal niya.

Noong oras na tumalikod ito sa kaniya ay nagsimula na rin siyang tumayo at naglakad paalis nang hospital.

Inihatid siya ni Raphael sa bahay ni Dave at kinuha niya lahat nang mga damit niya at tuluyang umalis sa Lugar na iyon.

Ilang araw rin siyang nanirahan sa Baryo Ginapang pero at doon niya isinilang ang mga batang nagbigay muli nang panibagong buhay sa kaniya. Si Rain at Storm.

Ngayon naririto na siyang muli sa manila alam niyang may tiyansang makita siya rito ni Dave pero wala siyang Choice dahil humingi na nang pabor si Raphael.

Inutusan siya nitong maging isa sa tagapamahala nang isang day care center na iniisponsoran na kanilang kompanya. Pumayag na siya dahil alam niya namang marami na rin siyang utang na loob dito at kailangan niya rin nang trabaho.

Bukas ang simula niya sa trabaho kaya Malaya muna siyang maglinis nang bahay at mag asikaso sa mga anak niya. Hindi naman naging sagabal ang schedule niya dahil pinayagan siya ni Raphael na umalis kapag susunduin ang kambal sa school. Binabalak na rin niyang kumuha nang yaya para sa dalawang anak niya.

Matapos niyang gawin ang paglilinis at pagluluto ay agad agad na siyang naligo para sunduin ang mga anak niya.

Nakita niya agad ang dalawa na magkaholding hands habang tumatakbo papunta sa kaniya.

"Mga anak diba sabi ko huwag tumakbo?" Pag papaalala ko sa kanila

"Sorry mom. Excited kasi kaming ipakita sayo itong three stars namin" ngiting ngiting turan ni Storm

"Ay ang gagaling naman nang mga baby ko. Kaya love love ko kayo e." sabay kiss ko sa kanila

"Mommy. Sabi nang classmates ko kapag nakakakuha daw sila nang three stars ay binibilhan sila ng gift nang daddy nila" malungkot na turan ni Rain. Sa dalawa ito talaga ang pinakamalungkutin.

"Edie bibilhan ka rin ni Mommy nang Gift" sabay ngiti ko sa kaniya

"Hindi mommy. Gusto ko daddy ko ang bibili nang gift sa akin" malungkot pa rin ito

Natigilan ako sa sinabi niya. Ito ang unang pagkakataon na gusto niya ang daddy niya.

SECRETLY MARRIED ❤️                     (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon