CHAPTER 33

314 8 0
                                    

Pagkatapos nang kanilang mainit na pagtatalik ay lumabas si Dave sa pag aakala na tulog si Loraine.

Hinanap niya ang binatang si Raphael dahil matagal na itong may atraso sa kaniya. Ito ang dahilan kaya nabugbog ang kaniyang kapatid na si Fernando. Inakala kasi nitong inagaw niya ang matagal na nitong Girlfriend kaya ngayong nagkita muli sila alam niyang may balak ito na kaniyang hahadlangan.

"Ako ba ang hinahanap mo?" pukaw na tinig ni Raphael

Hindi naman nagpasindak si Dave at hinarap ang binata.

"Layuan mo si Loraine. Huwag na huwag mo siyang sasaktan" seryosong sambit nito habang tiim na nakatitig kay Raphael

"Eh paano kong ayuko?" mapang-asar na sagot nito.

Hindi na nakapagtimpi si Dave at sinugod niya ang binata at 0
pinaulanan nang suntok hindi naman ito nagpahuli at ginantihan siya.

Natigil ang kanilang pagsusuntukan nang may pumigil na ibang mountaineer.

" Bitawan niyo ako. Kailangan kong makaganti sa hayop na yan" galit na galit na usal ni Raphael.

Napuno na nang galit ang isipan nito dahil kay Dave. Kitang kita na gusto na siyang patayin nito dahil sa galit na nararamdaman niya.

Kumalma naman si Dave nang makitang napuruhan niya sa mukha si Raphael. Pasimple pa siyang ngumiti dahil nalamangan niya na naman ito. Akmang aalis na siya nang muling nagsalita ito.

"Alam mong hindi ako ang makakapanakit sa kaniya. Dave? Ikaw ang dapat Kong sabihan na huwag na huwag mo siyang sasaktan dahil sa oras na gawin mo yon. Sinisigurado kong kukunin ko siya sayo" sabay ngisi nito kaya hindi nag atubili si Dave at pinagsusuntok at pinagsisipa niyang muli ang binata.

Nang maawat na naman siya nang mga tao roon ay nakita niyang nakahiga na ito pero nakangiti pa rin.

"Hindi siya mapupunta sayo kahit na Kailan dahil akin lang si Loraine. Akin lang ang asawa ko" sabay talikod.

Rinig na rinig niya pa ang iilang bulungan pero hindi na niya ito pinansin. Hindi siya dumiretso sa tulugan nila ni Loraine dahil alam niyang hindi pa siya makatutulog dahil masyado pang magulo ang isip niya.

"Ganito ba kahirap magmahal?" kausap niya sa hangin habang nakaupo sa may isang puno na napakamabunga.

"Oo inaamin ko. Hindi ako naging mabuting lalaki pero sana naman ibigay niyo nalang po sa akin si Loraine" naiiyak niyang usal

"Paano ko sasabihing may anak ako sa iba pero siya talaga ang mahal ko. Alam kong hindi na niya ako matatanggap dahil sa sitwasyon kong to." tanging iyak lang niya ang maririnig sa paligid

Kahit isang matipunong lalaki si Dave ay hindi niya mapigilang maghinagpis kapag naiisip niyang mawawala ang babaeng pinakamamahal niya.

" Mahal na mahal kita Loraine" mga katagang paulit ulit na sinasambit nito habang iniisip ang dalaga.

SECRETLY MARRIED ❤️                     (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon