CHAPTER 40

321 9 0
                                    


DAVE POV

Tinanghali na rin ako nang gising dahil Madaling araw na kami nakarating ni Loraine dito sa bahay.

Bumaba na ako upang magluto dahil alam Kong pagkagising ni Loraine ay gutom na gutom na rin siya.

Abala ako sa pagluluto nang may nag doorbell. Pinatay ko na lang muna ang kalan at pinuntahan kong sinuman ang umistorbo sa pagluluto ko.
Pagbukas ko nang gate ay nakita ko sina Fernando, Art at si Inon.

"Anong ginagawa niyo dito?" nakabusangot na tanong ko

"May pag uusapan tayo kuya" seryosong sagot ni Fernando kaya pinapasok ko na sila

Nang makarating kami sa bahay ay dumiretso ako sa kusina para ipagpatuloy ang pagluluto.

"Kuya ang Bango naman niyan. Kakain ako dito ha" patay gutom na turan ni Art

"Patay gutom ka rin talaga eh no" natatawang turan naman ni Inon

"Asan si Ate Loraine?" seryosong tanong ni Fernando

"Nasa taas natutulog pa rin" simpleng sagot ko sa kaniya

"Alam naba niya?" tanong muli nito

"Hindi. At wala akong balak sabihin sa kaniya." muling sagot ko

"Nababaliw kana ba kuya ha? Nakabuntis ka tapos wala kang balak sabihin sa kaniya. Natanga kanaba talaga?" may diing turan nito

"Huwag mo akong pagsalitaan nang ganyan dahil kuya muko Fernando" tiim bagang kong sambit

"Oo kuya nga kita. Kilala kita nakarelasyon mo si Beatrice noon palang. Hindi ko akalain na mabubuntis mo siya tapos itatago mo ito sa asawa mo. Nahihibang kanaba kuya?" medyo sigaw nitong sambit sa akin kaya akmang sasapakin ko na siya pero inaawat ako ni Art at Inon.

" Wala kang alam kaya manahimik ka nalang. Wala kang karapatang himasukan ang sarili kong buhay at----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang marinig ko ang boses nang pinakamamahal kong babae biglang bumilis ang tibok nang puso ko. Narinig niya kaya?

" Nag aaway ba kayo? " takang tanong nito sa amin. Kumalas naman ako sa pagkakahawak nila sa akin.

" Hindi Love." sabay yakap ko sa kaniya. Nang yumakap siya sa akin ay gumaan ang pakiramdam ko. Mabuti nalang at hindi niya Narinig.

"Aalis na ako" turan ni Fernando kaya napatingin kaming lahat sa Kaniya.

Pinigilan naman ito ni Loraine. Gumapang muli ang kaba sa puso ko dahil baka mag usisa pa ito tungkol sa nangyari.

SECRETLY MARRIED ❤️                     (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon