CHAPTER 5

483 14 0
                                    


DAVE POV

Nasa labas lang kami nang kwarto ni Dad dito sa Hospital dahil nasa loob pa si Dr. Chavez para masuri ito.

"Mr. Dave Stone pinapapasok ka nang iyong ama sa loob. Mabuti na ang pakiramdam niya. Sa ngayon bawal muna mastress ang inyong ama." sabay tingin niya sa aming apat. Nagpaalam muna ako sa kanila at pumasok sa loob. Nakita ko si Dad na nakatingin sa kisame.

" Dad? Pinatatawag mo daw po ako. " sabi ko dito na naging dahilan nang pagtingin niya sa akin.

" Maupo ka anak. Alam Kong nag aalangan kang pakasalan si Beatrice dahil hindi mo siya mahal kaya hahayaan na kitang pakasalan ang babaeng gusto mong pakasalan basta mabigyan mo lang ako nang apo" tuloy tuloy na sabi nito.

Napakamot naman ako dahil sa totoo lang wala pa akong nakikitang babaeng makakasama ko habang buhay. Atsaka kong alam lang ni dad matagal na talaga akong kasal mula nang bata pa lang ako. Hays.

"Mapapangako mo ba sa aking maihaharap mo ang babaeng pakakasalan mo ngayong linggo?" tanong nito sa akin na ikinagulat ko.

Tatanggi sana ako nang maalala ko ang sinabi ni Dr. Chavez na bawal itong ma stress kaya napatango nalang ako na ikinatuwa ni dad.

Sunod na tinawag nito si Fernando kaya naman lumabas na ako nang kwarto nito. Napaupo nalang ako bakanteng upuan sa tabi ni Lucy dahil sa sobrang pag-iisip.

"Kuya Dave may problema ka po?" tanong nang bata sa akin

"Oo marami e." maikling sagot ko

"Kuya Dave lagi mong tatandaan na Huwag kang mamoblema sa problema mo kundi ang problema mo ang dapat mamomoblema sayo." sabi nito na hindi ko naman naintindihan sa bilis nitong magsalita.

"Hay naku kuya. Huwag mo nang isipin ang sinabi ko naguluhan din ako e. Hahaha" nagtawanan nalang kaming dalawa.

Nang lumabas na si Fernando ay agad agad ko siyang kinausap.

"Bro? Pwede bang humingi muna ako sayo nang pabor?" tanong ko dito

"Oo naman Bro. ikaw pa ba. Ano ba yon?"

"Aalis ako. Ikaw na muna sana ang mag asikaso sa kompanyang maiiwan ko. Limang araw lang naman akong mawawala." paliwanag ko dito

"Sige Bro." sabay tapik sa aking balikat

Nagpaalam na ako sa kanila dahil balak ko munang umuwi sa bahay upang makapag empake nang aking mga damit.

"Detective Noah? Pahanap naman ang address kong saan nakatira ngayon ang babaeng nagngangalang Loraine De Guzman." si Noah ang personal Detective ko.

Kailangan kong mahanap si Loraine upang sabihin dito na siya ang balak kong maging ina nang anak ko.

Wala pang isang oras ay nagtext na si Detective Noah sa akin kaya naman nalaman kong nasa panggasinan pala si Loraine ngayon. Naghanda na akong umalis at harapin ang babaeng nawala nalang na parang bula noon.

SECRETLY MARRIED ❤️                     (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon