CHAPTER 37

310 10 0
                                    


DAVE POV

Kinukulit ko pa rin si Loraine mula kanina pa pero wala itong imik at ang kinakausap niya lang ay si Clinton.

Hindi ko tuloy maiwasang magselos dahil si Clinton lang ang pinapansin nito samantalang ako hindi manlang niya tiningnan mula kanina pa.

Pauwi na kami ngayon at buhat buhat ni Loraine si Clinton. Napangiti ako dahil bagay palang maging ina si Loraine nakikita kong magiging mabuti siyang ina at maalaga.

Mapait naman akong napangiti nang maalala ko ang sitwasyon namin ni Beatrice. Ano na kayang lagay niya? Nag aalala ako dahil tinawagan ako ni Inon at sinabing alam na nilang lahat na nabuntis ko ito at nagwawala ito sa kompanya ko dahil hinahanap ako. Minabuti Kong umuwi nang oras na malaman ko yon at nagsinungaling kay Loraine na may Emergency sa kompanya. Alam ko sa sarili Kong hindi ko anak ang nasa sinapupunan nito pero ayuko namang madamay ang bata.

Napatigil ako sa malalim na pag iisip nang akbayan ako ni Kuya Charles ang asawa ni Ate Reign.

"Ang lalim ata nang iniisip mo." turan nito

"Hindi ako pinapansin ni Loraine kuya. Hindi ko naman alam Kong bakit" pakamot kamot ko pang sumbong sa kaniya

"Alam mo gusto kitang tulungan dahil alam ko ang pakiramdam kapag hindi kami magkaayos nang asawa kong si Reign." ngiting ngiting turan nito sa akin habang kami ay naglalakad

"Nakita ka niya kanina kausap mo si Norma" Simpleng sagot nito sabay tapik sa balikat ko.

Kahit simple lang ang sinabi ni Kuya Charles ay nainitindihan ko agad ang pinahihiwatig nito.
Natuwa naman ako nang bahagya dahil nagseselos Pala ito kaya siya nagagalit.

"Oh huwag kang tumawa nagmumukha kang baliw diyan e." natatawang sambit ni Kuya Charles.

"Salamat Kuya"  turan ko pa sa kaniya

"Nga Pala ayos na yong kotse mo." turan pa nito. Tinanong ko kong magkano pero Libre nalang daw yon.

May mga tao pa palang mas ginugusto ang makatulong na walang kapalit at mas gugustuhin ang simpleng buhay.

Nang matapos namin magtanghalian ay naglaba naman sa sapa ang kababaihan kaya sumama na ako para lambingin at tulungan si Loraine.

Patuloy ko paring sinusuyo ito pero parang mas naiinis pa ito sa akin.

SECRETLY MARRIED ❤️                     (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon