LORAINE POVMag isa nanaman ako sa bahay dahil may Emergency na pinuntahan si Dave.
Naiyak nanaman ako nang maalala ang narinig ko kaninang tanghali sa kusina. Wala Pala talagang balak sabihin ni Dave ang Ginawa niyang pambubuntis Kay Beatrice.
Mahal niya siguro ang babaeng yon kaya nagagawa niya kaming pagsabayin dalawa. Naaawa lang siguro sa akin si Dave dahil wala na akong makakasama kundi siya nalang.
Hindi ko matanggap na magkakaroon Pala nang ibang anak si Dave sa ibang babae. Gusto niya nang umalis sa poder nito pero nangingibabaw pa rin ang pagmamahal niya sa lalaki.
Tiningnan ni Loraine ang Cellphone niya at naisipang tawagan si Finity hindi naman kasi niya pwedeng tawagan si Kuya Charles dahil alam niyang Maaga palang ay natutulog na sila.
"Hello. Sino to?" tanong nang babae sa kabilang linya
"Si Loraine to" mahinang sagot ko sa kaniya
"Umiyak kaba ate Loraine?" tanong nito sa akin
"Hindi ah." sabay tawa ko nang pilit
"Nasaan ka?" tanong ko sa kaniya para maiba ang usapan
"Nasa Hospital po" magalang na sagot nito
"ha anong nangyari sayo?" gulat Kong tanong
Matagal itong hindi nakasagot sa tanong ko.
"Ate Loraine andito si Ate Lily gusto kang makausap" sambit nito
"Hi Ate Lorainnnneeee" maingay na tawag nito sa akin
"Aray. Ansakit sa tenga hahaha" natawa pa ako
"Eh sorry na ate Loraine. Sleep kana. Bakit gising kapa?" parang nanay na nagpapaalala sa akin.
"Eh bakit ikaw gising kapa ha?" balik na tanong ko.
"Lily at Finity Hali na kayo. Uuwi na tayo dahil hindi na tayo kailangan ni kuya dito. Siya nalang daw mag isa ang magbabantay" rinig kong boses ni Inon
"Lily? Si inon ba yon. Anong nangyayari bakit nasa hospital kayo? At sinong kuya niya?" Sunod Sunod Kong tanong
Wala akong narinig na sagot dahil pinatay na sa kabilang linya ang tawag.
Napahiga nalang ako dahil ang utak ko ay hindi mapakali sa kakaisip kong bakit sila nasa hospital.
Sinibukan Kong idial ang number ni Dave pero nakakalimang tawag na ako ay hindi pa rin ito sumagot.
Gabi na pero may trabaho pa rin siya. Nasabi ko nalang sa isip ko bago matulog.
BINABASA MO ANG
SECRETLY MARRIED ❤️ (COMPLETED)
RomantizmIsang araw lamang na pagkikita Isang laro ang ginawa Isang araw ang sisira Sa dapat na itinakda. Larong kasal-kasalan ay nauwi sa totohanan. Isang mapaglarong tadhana ang nangyari sa kanila Loraine De Guzman at Dave Jaycee Stone. paano nila ito mata...