DAVE POVNasa Hapagkainan na kami. Nakumbinse ni Loraine ang tatlo na dito na magsikain kaya sama sama kami ngayon.
"Anong pinag uusapan niyong apat kanina?" pagbubukas nang tanong ni Loraine
Nanahimik naman kaming lahat parang walang gustong sumagot. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Fernando. Sobrang kinakabahan ako hindi dahil totoo ang paratang nito sa akin kundi baka magalit siya at iwanan niya ako kapag nalaman niyang tinago ko ito. Ayuko naman kasing isama pa siya sa gulong napasukan ko.
"Tungkol Kay Kuya Dave" simpleng sagot nito
"Anong tungkol sa kaniya?" tanong muli nito. Tuluyan na akong nanahimik.
"Ah eh. Tungkol Kay kuya at sa kompanya niya." singit ni Art nang magsasalita na sana si Fernando.
Nakahinga naman ako nang maluwag nang hindi na ito muling nagtanong. Naging tahimik ang Hapagkainan nang matapos ay nagpresinta si Loraine na maghugas nang plato samantalang kami ay pumunta munang garden.
Nang satingin ko ay nanatili nang nasa kusina si Loraine ay agad kong sinugod si Fernando.
"Gago ka talaga wala kang utang na loob. Walangya ka" sabay suntok ko dito. iisa pa sana ako dito nang maawat ako ni Art at inon.
"Ginagawan lang kita nang pabor kuya. Kong ayaw mong sabihin sa kaniya. Ako na mismo ang magsasabi para hindi ka mahirapan" sabay ayos nang damit nito
"Hindi ako mahirapan? Papano kapag iniwan niya ako ha? Gago kalang talaga. Hindi mo kasi alam Kong papano magmahal. Lahat kasi sayo parang laro lang maski nga babae pinaglalaruan mo rin. Si Lily? Isang halimbawa siya nang babaeng pinaglaruan mo lang. Ginamit mo lang ang katawan niya para sa sarili mo kaya huwag kang magpanggap na mabait " galit na galit kong turan sa kaniya.
Nakita kong umigkas ang kamao niya at akmang susuntukin ako. Handa naman akong makapagsuntukan sa kaniya lalo pa't galit ako ngayon.
Nagulat ako nang dire-diresto itong umalis. Pinasunod ko naman sa kaniya ang dalawa dahil baka kong Ano nanamang gawin non.
Pumunta ako sa kusina at nakita ko si Loraine na hindi pa rin tapos maghugas.
"Love hindi kapa tapos. Tulungan na kita" sabay yakap ko patalikod sa kaniya
Nang mapansin kong hindi ito umimik ay hinarap ko siya sakin. Napansin Kong namumula ang mata niya.
"Love umiyak kaba?" kabang tanong ko
"Hindi. Nalagyan kasi nang sabon tong mata ko e. Ang sakit pala" sabay hagulgol pa nito agad ko naman siyang pinatahan.
Nang matapos maghugas ay inaya ko na siyang mag grocery at mag mall.
BINABASA MO ANG
SECRETLY MARRIED ❤️ (COMPLETED)
RomanceIsang araw lamang na pagkikita Isang laro ang ginawa Isang araw ang sisira Sa dapat na itinakda. Larong kasal-kasalan ay nauwi sa totohanan. Isang mapaglarong tadhana ang nangyari sa kanila Loraine De Guzman at Dave Jaycee Stone. paano nila ito mata...