LORAINE POVMadaling araw palang ay naghanda na kami para umalis. Gustuhin ko mang sabihin kay Clinton na aalis na kami pero nananatili parin itong natutulog ayuko namang istorbohin pa ito.
"Ate Reign at kuya Charles aalis na po kami maraming maraming salamat po sa pagpapatuloy sa amin" magalang na paalam ni Dave.
"Naku wala iyon. Kahit na anong oras o araw ay maaari kayong pumunta dito. Hindi na kayo iba sa amin pamilya na ang Turing namin sa inyong dalawa" sabay pagkatamis tamis na ngiti nito
"Salamat po talaga. Pakisabi kay Clinton hindi ko na siya nagising" maiiyak iyak ko pang sabi
"Naku si Ate Loraine iiyak na" pang aasar pa ni Sharamaine sa akin
"Huwag ka nang Umiyak Loraine. Maiintindihan ka nang anak ko" sabay ngiti ni Kuya Charles
Inihatid nila kami kong Saan nakaparada ang sasakyan namin muli kaming nagpaalam sa isa't isa.
Nang makasakay sa kotse ay hindi ko na napigilang Umiyak.
"Love huwag ka nang Umiyak. Promise babalik tayo dito sa Baryo ginapang babalikan natin sila" pag aalo nito sa akin.
"Promise babalik tayo dito?" parang bata Kong tanong sa kaniya
"Oo naman. Super Promise" sabay ngiti nito na ikinatuwa ko.
Sinimulan na nitong paandarin ang kotse at tuluyan nang lilisanin ang Baryo Ginapang.
Maya maya lang ay nananahimik lamang ako dahil inaalala ko kong gising na ba si Clinton.
"Love? Pakuha naman ako nang Cellphone ko" pukaw ni Dave sa akin
Agad ko namang kinuha sa bulsa niya ang Cellphone.
"Paki-dial naman sa contacts ko ang pangalang kuya Charles" napatingin ako sa kaniya dahil inaakala ko talagang si Kuya Charles ito na asawa ni Ate Reign at Ama ni Sharamaine at Clinton.
Agad naman itong tumango kaya napatili ako sa sobrang saya. Nang mahimasmasan ay agad Kong dinial ang number ni Kuya Charles at hindi nga ako nagkamali dahil boses ni Clinton ang naringgan ko.
"Hi baby Clinton" maluha luha Kong bati sa kaniya
"Hi ate Loraine mamimiss po kita. Balik ka dito ha?" malambing tuno nito.
Lumipas ang minuto ay pag uusap lamang namin ni Clinton ang nangibabaw sa buong biyahe. Nang matapos ang aming pag uusap ay tuwang tuwa akong pinatay ang tawag.
"Love happy kana?" ngiting ngiting si Dave ang nagtanong
"Oo love ko. Salamat ah. Paano mo pala nakuha ang number ni Kuya?" tanong ko rin sa kaniya
"Noong busy ka kay Clinton at hindi muko pinapansin. Alam kong mamimiss mo sila kaya kinuha ko na ang number" paliwanag nito.
Kiniss ko naman siya sa pisngi dahil sa sobrang tuwa.
BINABASA MO ANG
SECRETLY MARRIED ❤️ (COMPLETED)
RomanceIsang araw lamang na pagkikita Isang laro ang ginawa Isang araw ang sisira Sa dapat na itinakda. Larong kasal-kasalan ay nauwi sa totohanan. Isang mapaglarong tadhana ang nangyari sa kanila Loraine De Guzman at Dave Jaycee Stone. paano nila ito mata...