LORAINE POVPagkaalis ni Dave ay agad naman akong nagbihis at pumunta sa palengke.
Bibili ako nang mga lulutuin ko mamaya para sa surprise ko kay Dave. Ngayong araw na ito ang ika isang buwan naming pagsasama bilang mag-asawa kaya sobrang tuwa ko at macecelebrate na namin ito ngayon.
Palabas na ako nang bahay nang matanaw ko si Finity at Lily sa may gate kaya agad agad akong nagtatakbo upang pagbuksan sila.
"Finity, Lily?" Takang tanong ko sa kanila
"Girl alam naming ngayon ang 1MONTH ninyo ni kuya Dave no. Kaya nandito kami para tulungan ka." sabay talon talon ni Lily
"Ate lily naman. Tara na nga." sabi ni Finity na mukhang badtrip ngayong araw
Pagkapasok na pagkapasok namin nang kotse ni Lily ay kinausap ko agad si Finity na nakabusangot.
"May problema ba?" sabay hawak ko sa kamay nito. Hindi naman na nito napigilan ang pag iyak.
"Isa nalang ang girlfriend niya ate Loraine." sabi nito sabay hagulgol
"Pupukpukin ko na yang ulo mo Finity. Sabing huwag kana kasing umasa kay Inon" naiinis na sabi ni Lily
"Ate Lily naman. Kong kaya ko lang pigilan tong nararamdaman ko edie sana matagal na" umiiyak pa ding sabi nito
"Tahan na. Huwag kanang umiyak Finity. Ayukong umiiyak ka sa pinakamasayang araw ko" alo ko pa sa kaniya
"Hay naku. Stone brothers talaga oh. Mabuti nalang at Lima lang sila dahil kong marami pa sila ay marami pang kagaya nating luhaang mga babae." sabi ni lily sabay buntong hininga
"Nga pala. Bakit hindi ko nakikita si Art?" pag iiba ko nang usapan
"Hay naku isa pa yon. Isa na siyang Proffesor at alam mo bang may chickas na estudyante." sabi nito sabay iling iling
"Alam naba ito nang mga kuya niya?" tanong kopa
"Syempre hindi. Kapag nalaman nila yon siguradong lagot si Art." sabi pa nito na ikinatango tango ko nalang
"Nga pala ate Loraine kanina pumunta ako sa karinderyang pinagtatrabahuan mo. Mamimiss ka daw nila at Yong Raphael Hinahanap ka sakin." sabi ni Finity
"Aysus. Sino yang Raphael na yan Ate Loraine?" sabi ni Lily
"Suki yon nang karinderya" simpleng sagot ko
"Aysus something fishy" malisyosong sagot nito na ikinatawa namin ni Finity
"Hahaha ano nanamang fishy fishy mo diyan. Mag drive kana nga" sabi ko dito sabay batok sa kaniya habang nagdadrive
"Arawch. Bad ka ate Loraine" sabi pa nito na may boses bata
Tawa lang ang namagitan sa aming tatlo hanggang makarating kami sa isang Parlor Shop.
BINABASA MO ANG
SECRETLY MARRIED ❤️ (COMPLETED)
RomansaIsang araw lamang na pagkikita Isang laro ang ginawa Isang araw ang sisira Sa dapat na itinakda. Larong kasal-kasalan ay nauwi sa totohanan. Isang mapaglarong tadhana ang nangyari sa kanila Loraine De Guzman at Dave Jaycee Stone. paano nila ito mata...