DAVE POVKakapasok ko palang sa bahay. Tiningnan ko ang orasan pasado alas kuwatro na pala ako nakauwi.
Pumunta ako sa kusina para tingnan kong may natira pang pagkain. Gutom na gutom ako sa pagbabatay kay Beatrice sa Hospital.Nagtaka pa ako dahil walang bawas ang sinaing at Napakaraming ulam ang nakatakip sa mesa. Hindi ko nalang inintindi at kumain nang kumain. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto.
Napansin ko si Loraine na balot na balot nang kumot at tulog na tulog.
"Ang ganda mo talaga love ko" bulong ko pa dito. Sa sobrang pagod at antok pagkahiga na pag kahiga ko ay nakatulog agad ako.
**********
Kinabukasan Nagising akong wala nang katabi. Pagtingin ko sa kusina ay naroon si Loraine na kumakain."Love ko? Bakit andaming pagkain kagabi?" sabi ko dito habang nakayuko at kumakain
"Trip ko lang magluto nang marami" sabi pa nito na walang emosyon
Yayakapin at lalambingin ko sana ito nang may tumawag sa akin. Tiningnan ko ang caller at ito ay si Art.
"Ano yon? May kailangan ka nanaman?" sabi ko dito
"Si Inon nasaksak nasa hospital siya." simpleng turan ni Art. Ito ang pag kakaiba nila ni Inon. Si Art masyadong walang emosyon kong magsalita samantalang si Inon ang O. A magsalita kapag may mga nangyayaring ganyan.
"Pupunta na ako wait lang" sagot ko nalang dito
Magpapaalam sana ako kay Loraine nang magsalita ito.
"Sige na umalis kana." sabay pasok nito sa cr. Lumapit naman ako sa cr at kinakatok ito.
"Hindi kaba sasama?" tanong ko dito. Pakiramdam ko may mali sa kinikilos niya
"Hindi" simpleng sagot nito. Lalambingin ko sana siya ngunit may tumawag nanaman sa akin. Si Fernando.
"Oo na nga pupunta na" mabilis na sagot ko dito sabay patay. Tumakbo na ako sa kwarto upang magbihis at sumakay na sa kotse.
Habang nagdadrive ay hindi ko maiwasang isipin si Loraine parang ayaw ako nitong kausapin. Napagdesiyunan kong bibilhan ko siya nang bulaklak mamaya kapag uwi.
Pagkarating ko sa kwarto ni Inon ay natutulog ito habang nasa gilid nito si Finity na tulog at namamaga ang mata. Napapansin kong may gusto si Finity sa kapatid ko pero alam kong iniiwasang mangyari ito ni Inon. Pag-ibig naman talaga Napaka komplekado.
Gigisingin ko na sana si Finity dahil kailangan ko rin sanang bumalik agad para kay Loraine nang biglang may malalakas na Katok ang gustong sumira sa pintuan. Binuksan ko iyon iniluwa non si Lily na at Fernando.
"HI Kuya Dave" turan ni Lily habang kumakaway kaway.
Tinanguan ko naman ito at muling pumasok sa loob. Nakita ko namang Nagising si Finity at Nagulat pa nang makita ako.
"Kuya Dave kanina kapa po?" sigaw ko dito
"Hindi naman kararating ko lang din. Kamusta na si Inon? Anong nangyari sa kaniya?" tanong ko agad
"Nasaksak po siya nang nakaaway niya sa bar dahil nakipaghalikan ito sa bf nong lalaki." malungkot na tugon ni Finity
"Hay naku sakit talaga sa ulo tong mga kapatid ko" naibulaslas ko nalang
"hala wag mukong isali diyan. Iba ako sa kanila" singit naman NI Fernando
"Asan pala si Art? Siya kanina ang tumawag sa akin" pagtataka kong tanong muli kay Finity
"May pupuntahan daw po siyang importante." tugon muli nito
"May importante pa ba sa nangyari sa kapatid niya. Hay si Art talaga walang pakialam." naiinis ko nang sabi
"Kaya nga e. Ikaw nga pumunta ka dito kahit importanteng makasama mo si ate Loraine. Kamusta pala Yong surprise niya sayo?" tuwang tuwa namang sabi ni Lily
"Ha? Anong pinagsasabi mo?" sabi ko nalang muli dito
Hindi ko alam kong bakit parang gulat na gulat siya sa tanong ko. Nang makabawi ay agad ako nitong tinitigan nang masama na parang isa ako sa pinakamasamang tao sa buong mundo.
"Kuya Dave? Hindi ka nakauwi nang Maaga kagabi?" tanong muli ni Finity
"Ha? Ah oo. Kasi may inasikaso akong importante. Madaling araw na ako nakauwi at tulog na tulog na si Ate Loraine mo non." paliwanag ko sa kaniya
"Kuya umuwi kana po" sabi pa nito na parang may nagawa akong kasalanan kay Loraine
"Ano bang kinikilos niyo? Anong nangyari?" kinakabahang tanong ko
"Stone is always a stone. Alam mo bang 1 month na nang pagsasama niyo ni Ate Loraine? At alam mo bang nag handa pa ito para sa araw na iyon" sabi ni Lily na lumalabas ang pagkamataray agad naman itong inawat ni Fernando.
"Shit. I forgot. Pinauuwi niya nga ako nang Maaga non. Aalis na ako" pagkasabi ko non ay agad agad akong nagtatakbo pauwi hindi ko na inantay ang sagot nila.
BINABASA MO ANG
SECRETLY MARRIED ❤️ (COMPLETED)
RomanceIsang araw lamang na pagkikita Isang laro ang ginawa Isang araw ang sisira Sa dapat na itinakda. Larong kasal-kasalan ay nauwi sa totohanan. Isang mapaglarong tadhana ang nangyari sa kanila Loraine De Guzman at Dave Jaycee Stone. paano nila ito mata...