Ang mga pangyayaring ito ay ginanap ilang taon nang makalipas noong nangyari ang digmaan nang mga aswang sa Baryo ginapang.
Wala ito masyadong kaugnay sa isa ko pang istorya na Baryo Ginapang pero Kong gusto niyo ring basahin ay OKs lang po. 😊
LORAINE POV
Masaya kaming nagkwekwentuhan ni Dave pauwi nang manila. Napakaganda ang naging pamamalagi namin sa Bayan ng Maharlika nitong mga nagdaang araw.
Masasayang alaala ang nabuo sa aming dalawa. Mas nakilala at naipagtapat namin ang tunay naming damdamin.
Kwentuhan at tawanan ang namumutawi sa aming dalawa nang biglang tumunog at huminto ang aming sasakyan. Napatili pa ako sa gulat pero si Dave ay agad agad na bumaba sa sinasakyan namin. Natakot din akong bumaba dahil medyo madilim na dahil natagalan kami sa pagbaba kanina sa bundok.
"Sh*t ngayon pa tayo nasiraan" turan ni Dave na parang pinagsakluban pa nang langit
"Huwag kang mag alaala maayos din natin to" pagpapalakas nang kaniyang loob dahil nakikita kong naiinis at nawawalan na ito nang pag asa. Pinilit kasi naming makauwi ngayon dahil may emergency daw na nangyari sa Kompanya.
Binutingting pa nito ang kotse niya pero hindi pa rin talaga ito naayos kaya minabuti na muna naming pumasok sa kotse dahil gumagabi na talaga.
Nagkwekwentuhan kami sa loob nang kotse habang kinakain ang mga biscuit na nabili namin kanina. Hindi pa kami naghahapunan dahil akala namin ay magiging mabilis ang biyahe namin.
Nagulat ako nang may kumatok sa kaliwang bintana nang kotse na malapit sa akin. Natawa naman si Dave dahil nayakap ko na pala ito sa matinding gulat.
Noong una ay nag alangan kaming buksan ang bintana nang kotse pero makikita namang mabait ang babaeng gustong kumausap samin.
"Neng at iho bakit napadpad kayo dito sa Baryo Ginapang?" Tanong nang isang ginang. Masasabi Kong hindi pa naman ito ganon katanda dahil napakaganda pa rin nito
"Ay kasi po galing talaga kami sa Bayan nang Maharlika pero nasiraan po kami kaya naririto kami nakatigil." magalang na sagot ni Dave
"Alam niyo wala namang masasamang tao dito sa Baryo Ginapang pero hindi ko naman hahayaan na mag hirap kayo dito sa kotse niyo dahil walang mahihigaan. Malapit lang ang bahay namin dito. Huwag ka Yong mag alala hindi kami masasamang tao. Ako nga pala si Reign at itong asawa ko ay si Charles matagal na kami dito. " turan nito
Dahil nakita naman naming mabait ito ay Lumabas na kami at sumama sa kanila. Mag-asawa Pala ang dalawa at may dalawang anak na si Sharamaine at Clinton.
Pinatulog nila kami sa isang kwarto na Kong Saan napakaganda kahit simple at kubo ito. Alam rin nilang kasal kami ni Dave kaya pinagtabi na kaming dalawa. Ang tinutuluyan namin ay para talaga sa mga dayuhan na siyang pumapasyal sa kanilang Lugar.
BINABASA MO ANG
SECRETLY MARRIED ❤️ (COMPLETED)
RomanceIsang araw lamang na pagkikita Isang laro ang ginawa Isang araw ang sisira Sa dapat na itinakda. Larong kasal-kasalan ay nauwi sa totohanan. Isang mapaglarong tadhana ang nangyari sa kanila Loraine De Guzman at Dave Jaycee Stone. paano nila ito mata...