CHAPTER 16

398 11 0
                                    


LORAINE POV

Pagkagising na Pagkagising ko ay agad hinanap nang mga mata ko ang lalaking nagparamdam nang saya at pagmamahal sakin kagabi.

Yon na ata ang pinakamasayang gabing kasama ko si Dave dahil ramdam na ramdam ko ang pag iingat nito sa akin.

Tumayo na ako at napangiwi ako sa sakit na naramdaman ko sa gitna nang aking mga hita. Paano namang hindi ito sa sakit. Eh hindi lang isa o dalawang beses nangyari ang masarap na pangyayaring iyon kagabi.

Maingat akong bumaba sa hagdan dahil masakit pa rin kapag ako ay naglakad. Pupunta sana ako sa kusina dahil alam kong namang nasa opisina na agad si Dave nang mga ganitong oras.

Ngunit nagkamali ako nang may marinig akong mga boses sa kusina. Hindi ko na napigilang makinig dito.

"Sino ang babaeng nasa kwarto mo Dave?" sabi nang baritong tinig

"Dad. Siya ang asawa ko." simpleng sagot nito

"Nahihibang kana ba? Nawala kalang nang Ilang araw tapos pagbalik mo sasabihin mong may asawa kana agad?"  galit na turan nito

"Paano si Beatrice ha?" dagdag pa nito.

"Dad hindi ko nakakalimutan ang pangako ko sa ama niya. Proprotektahan ko siya pati ang batang nasa sinapupunan niya" sabi pa nito na siyang nagpatulo sa mga luha ko. Totoo ngang buntis si Beatrice at siya ang ama nito.

Gusto ko mang umalis ngunit parang may gusto pa akong marinig mula kay Dave kaya nanatili lang akong nakatayo sa may pintuan nang kusina.

"Kailangan mong mamili sa kanila Dave. Sa panahon ngayon kailangang isa lang ang Piliin mo dahil masasaktan lang ang isang hindi mo mapipili." turan pa nang kaniyang ama.

Sana ako nalang ang Piliin niya. Please dave ako nalang. Kaya kitang bigyan nang anak kong gusto mo. Pero sana ako nalang please. Gusto ko mang sabihin ang mga katagang yan sa kaniya pero hindi ko magagawa dahil ayukong maging makasarili.

Tuluyan na akong umalis dahil hindi ko pala kayang marinig mula dito na si Beatrice ang pipiliin niya. Baka tuluyan na akong mawasak kapag marinig ko pa ang mga katagang yon.

Bumalik ako sa kwarto at muling nahiga. Hindi ko mapigilang mapaiyak sa mga Narinig ko. Ibang iba ang mga nangyayari sa mga nakikita kong emosyon naming dalawa kagabi.

Akala ko may pag asang maging masaya kami pero Malabo na ata itong mangyari dahil may Beatrice at sanggol sa pagitan nilang dalawa.

Naalala ko si Ever palagi nitong sinasabi na subukan ko ang mga bagay bagay kahit komplekado. Kahit bata pa si Ever masasabi kong isa siyang matalino at matapang na bata.

Tama si Ever. Noong mga panahong nag aalinlangan akong kupkupin siya pero pinaglaban ko parin siya kahit komplekado ay naging masaya naman ako.

Siguro naman kaya ko paring ipaglaban si Dave kahit Komplekado. Aasa pa rin akong magiging masaya kaming dalawa.

Natigil ang aking pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Dave.

"Goodmorning Love. Gising kana pala. Bakit hindi ka bumababa? Nakahanda na ang pagkain. May bisita pala tayo andiyan si dad sa baba." sunod sunod na sabi nito. Kong alam lang niyang bumaba ako kanina at narinig ko ang usapan nang dad niya.

"BAKIT ka umiiyak? May masakit pa ba sayo? Hala sorry Love. Anong pakiramdam mo? Dadalhin kita sa Hospital. Tara na." akmang bubuhatin na ako nito kaya naman nagsalita na ako.

"Ano kaba okey lang ako. Masaya lang ako dahil sa tamang tao ko binigay ang matagal ko nang iniingatan" sabi ko dito. Totoo namang masaya ako dahil sa taong mahal ko ibinigay ang puri ko. Pero naiyak ako dahil sa mga narinig kong nakapagpapawasak sa puso ko.

"Naku ang Love ko nagiging emosyonal na" sabay halik nito sa aking nuo. Kong ganito lang sana lagi. Ako na siguro ang pinakamasayang babae sa lahat

"Halika na bibihisan na kita. Alam Kong mahihirapan kapang Kumilos ngayon e." akmang huhubadin na nito ang damit ko upang palitan pero binato ko siya nang unan

"Napakamanyak mo Love" sabi ko dito habang tumatawa

Nataranta naman ako dahil nakatulala lang ito sa akin. Baka nasaktan ito sa pagbato ko nang unan.

"Oy? Nasaktan kaba? Sorry hindi ko alam na masasaktan ka." sabi ko dito habang nakatingin sa kaniya

"Hindi ah. Nagulat lang ako dahil tinawag mo nanaman akong Love. Hihi. Sana Love nalang talaga ang itawag mo sakin." sabi pa nito habang naka pout.

Binuhat naman ako nito kaya hindi ko maiwasang mapatili.

"Ahhhhhhh Dave ibaba muko nahihilo na ako HAHAHAHAHA" sigaw ko dito

"Hindi kita Ibababa hanggang hindi mo ako tatawaging LOVE HAHAHAHA" patawa tawa pa nitong sabi sa akin

"OO NA! Love ibaba mo na ako nahihilo na ako" sabi ko ditong may himig na pagsuko

Nagulat naman kami nang bumukas ang pinto nang kwarto na naging dahilan nang paghinto niya sa pag ikot.

"Dad?" takang tanong nito

"Akala ko may nangyayari nang masama sa inyo. iingay niyo kasi. Tara na bumaba na tayo at kumain." sabi nito na parang napahiya pa sa pang iistorbo sa amin.

Pagkatapos nito ay ang pagsara niya nang pintuan. Natawa naman si Dave kaya pinalo ko ito sa braso.

" Bakit mo pinagtatawanan ang papa mo? Nababaliw kana. " sabi ko sa kaniya

"Ngayon ko lang kasi nakitang ganon ang reaksiyon ni dad." sabay tawa nito ulit kaya binato ko nanaman ito nang unan

"Umalis kana nga at magbibihis pa ako" sabi ko sa kaniya

"Hindi ako aalis hanggat hindi mo ipinapangako na ang itatawag mo na sa akin ay Love." sabi pa nito na nang aasar

"Ayuko nga" pang aasar ko ring sagot sa kaniya. Akmang bubuhatin nanaman ako nito kaya mabilis akong sumagot muli.

"Oo na sige na Love. Umalis kana magbibihis pa ako e" sabay tapon ko nang sunod sunod na unan sa kaniya.

"Oo na. Basta Yong pangako mo ha?" sabi nito habang sinasalag ang mga unan at Tumakbong palabas sa kwarto.

Napatawa naman ako sa naging kilos at itsura niya. Natigil lang ako sa pag tawa nang maalala kong kailangan ko nga palang magbihis

Nang makapag ayos at makapagbihis na ako ay sumulyap ako sa salamin.

"Sana maging maayos ang mga susunod na araw sa pagitan naming dalawa ni Dave" sabi ko sa sarili ko sabay ngiti sa salamin

SECRETLY MARRIED ❤️                     (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon