CHAPTER 27

351 11 0
                                    

DAVE POV

Nasa kotse na kami ni Loraine malayo layo ang biyahe mabuti nalang ay nakatulog ako nang mahimbing kanina habang katabi siya.

Napansin ko namang mula kanina pa ito tahimik habang nakatingin lang sa labas. Ayaw pa nga nitong tumabi sakin sa kotse pero pinilit ko siya.

Hindi ko na matiis ang katahimikan niya kaya naman nagsalita na ako.

"Love?" tawag ko dito pero hindi ito sumasagot. Ilang beses ko siyang tinatawag pero nananatili pa rin itong nakatingin sa labas nang kotse.

Hindi ko alam kong sinasadya niya akong hindi pansinin o talagang lumilipad ang isipan niya sa ibang bagay.

Pilit kong Hinawakan ang kamay nito at doon niya lang ako tiningnan na may pagtataka.

"Kanina pa kita tinatawag love. Ano ba ang iniisip mo at sobrang lumilipad Ata ang isipan mo sa ibang bagay?." malambing kong turan sa kaniya

"Wala naman" pagkasabi niya noon ay ang pagtanggal nang kamay ko sa kamay niya.

Ramdam kong may problema talaga kami. Inaamin ko naman na kasalanan ko ang lahat kong bakit siya nagkakaganito.

Yon ang unang araw na nag effort siya sa akin pero ibinalewa ko ang lahat kong ako rin naman ang nasa Lugar niya ay ganito rin ang magiging reaksiyon ko.

Pinapangako ko na babawi ako sa kaniya at ipaparamdam ko ang pagmamahal ko sa kaniya.

Ilang oras ang biyahe at wala itong ginawa kundi ang tumalala. Oras oras ko naman itong kinakausap pero tipid lamang ang mga sagot nito.

Binuksan ko ang radyo upang hindi kami mapuno nang katahimikan sa loob.

Sakto naman alam ko ang kanta kaya sinabayan ko ito.

Bakit ba nang makilala ka
Hindi na makatulog sa bawat saglit ay iniisip ka
Di mapigil ang sarili na hindi ka makikita
Anong meron ka?
Meron kabang gayuma?
Sana ay muli kitang makita
Puso ko'y sapol sa'yong talaga
Ngunit pano mo maririnig
Pano mo mababatid
Ang tinitibok ngayon ng aking dibdib

Ang linyang ito ang totoong naramdaman ko nang muli ko siyang makita sa probinsya nila na kakauwi lang galing sa Hospital.

Akoy tinamaan puso'y tinamaan
Sadyang ikaw lang ang tanging dahilan
Walang iniisip walang nalalaman
Kundi ikaw lang pagkat ikaw ang mahal
Tunay na lahat ay hahamakin
Pag iyong nararamdaman

Habang kinakanta ko ito ay pasulyap sulyap ako sa kaniya upang maipabatid kong lubos na akong tinatamaan sa kaniya.
Nakita Kong nag iwas ito nang tingin sa akin kaya binawi ko ang mga mata ko sa kaniya pero patuloy pa rin ako sa pagkanta.

Araw at gabi ako'y nag-aabang
Sa'yo't umaasa
Baka sakali na ikaw ay makasabay
Yon pala'y yon ang sandali
Na lagi kong hinihintay sabi mo panga
Wag kang papatay-patay
At ngayon sa'yoy nalaman ko na
Pagtingin sakin ay mayro'n ka
At palagi kong naririnig

Lagi mong sinasambit

Pag-ibig mo'y tunay na abot langit
Akoy tinamaan puso'y tinamaan
Sadyang ikaw lang ang tanging dahilan
Walang iniisip walang nalalaman

Kundi ikaw lang pagkat ikaw ang mahal
Tunay na lahat ay hahamakin

Pag iyong nararamdaman
Akoy tinamaan puso'y tinamaan
Sadyang ikaw lang ang tanging dahilan
Walang iniisip walang nalalaman
Kundi ikaw lang pagkat ikaw ang mahal
Akoy tinamaan puso'y tinamaan
Sadyang ikaw lang ang tanging dahilan
Walang iniisip walang nalalaman
Kundi ikaw lang pagkat ikaw ang mahal

Tunay na lahat ay hahamakin
Pag iyong nararamdaman

Sana maging maayos na kami hindi ako sanay na ganito ang pakikitungo namin sa isat isa. Gusto ko mang sabihing mahal kita pero natatakot akong baka hindi mo ako mahal baka layuan mo lang ako.

SECRETLY MARRIED ❤️                     (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon