Makalipas ang ilang ArawDAVE POV
Naging maayos ang pag sasama namin ni Loraine at napapadalas din ang pag uwi ko nang gabi dahil kay Beatrice. Naglilihi na kasi ito kaya binibili ko muna ang lahat nang gusto nito bago umuwi. Minsan pa nga ay tumawag ito madaling araw na upang bilhan lang siya nang pakwan at mangga kaya napilitan akong iwan si Loraine. Mabuti nalang mahimbing ang pagkakatulog nito.
Napapansin ko rin nitong mga nakaraang araw ay lagi itong pagod at laging mahimbing ang tulog.
Dati rati kasi kapag niyayakap ko ito ay lagi siyang nagigising agad pero ngayon kahit Ilang beses ko nang halikan at yakapin ay hindi pa rin nagigising.
Napaisip tuloy ako. Baka kasi pinapagod niya ang sarili niya sa paglilinis nang bahay.
"Love? Gising kana po" yugyog ko sa kaniya na himbing sa pagtulog
Ilang minuto ko pa siyang niyuyogyog at hinahalikan nang sa Wakas ay Nagising na ito.
"Anong oras na love?" tanong nito sa akin
"Alas otso na nang umaga Love" sabi ko pa dito
"Ha? Bakit hindi kapa naka uniform?" gulat na gulat at Napaupo pa ito sa kama
"Hindi ako papasok ngayon dahil miss na miss na kita" malambing kong turan dito
"Ha? Hindi pwede." sagot nito sa akin na ipinagtaka ko.
Anong hindi pwede ang pinagsasabi nito? Ayaw na ata niya akong kasama at makita kaya ayaw niya akong mag day-off
"Bakit?" ang nasagot ko nalang sa kaniya
Hindi naman ito agad nakasagot at parang nag iisip pa kong anong ipapalusot niya sa akin kaya ako nalang muli ang nagsalita
"Ayaw mo na ba sakin ha?
" May iba kana bang gusto?
"Love sumagot ka naman."Sunod sunod kong tanong sa kaniya dahil pakiramdam ko ayaw na niya akong makasama dahil sa naging reaksiyon nito kanina nang sinabi kong day-off ako ngayon.
"Hindi sa ganon love ko." sabay yakap nito sa akin na nagpagaan naman sa nararamdaman ko
"Miss na miss na kita" sabi ko sa kaniya
"Miss na miss na din kita" sagot naman nito
" Kapag umuuwi ako lagi kanalang tulog o kaya naman pag tapos natin kumain lagi kang aakyat sa taas tapos maya maya lang tulog kana" mahabang turan ko sa kaniya
"Pinapagod mo ba ang sarili mo dito ha?" dagdag kopa
"Ano kaba! Hindi ah. Sadyang antukin lang ako love" sabay yakap niya sa akin.
Nilalambing lambing pa niya ako. Pinahiga ko siya at agad na kumibabaw. Namimiss ko na siya kaya agad agad ko siyang hinalikan.
Lumalalim na ang halikan namin nang may istorbong tumatawag. Hindi kona sana sasagutin pero hindi ito tumitigil sa pagriring.
"Sino tong istorbong to?" agad na angil ko sa tumawag na hindi ko tiningnan ang caller
"babe? Galit kaba?" na iiyak na sabi ni Beatrice . Masyado na itong emosyonal sa ipinagbubintis niya kaya pinagbibigyan ko nalang.
Lumayo ako para hindi marinig ni Loraine ang mga sasabihin ko dahil alam kong masasaktan siya
"Hindi babe. Kumain kana?" tanong ko dito pero wala akong emosyon sa bawat bitaw nang mga salita
"Hindi pa. Hindi ako kakain hanggang wala ka dito" sabi pa niya kaya pinatay kona ang tawag
Agad agad akong pumunta sa kwarto upang kausapin si Loraine.
"Love? Aalis muna ako ngayon. May emergency e" pagdadahilan ko dito
"Anong emergency?" tanong nito
"Ah eh. Sa kompanya" na sabi ko nalang habang nag papalit nang damit
"Ah sige. Ingat ka ah" sabi nito. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil pumayag siya. Hinalikan ko siya sa labi at akmang aalis na nang bigla niya akong tinawag.
"Love ko?" malambing na tawag nito
"Po Love?" sagot ko dito at lumapit sa kaniya.
"Ipangako mo sakin. Mamayang 7:00 ay nandito kana. Okey?" sabi nito sa akin
"Oo naman. Wala pang 7:00 nandito na ako." Hinawakan ko siya sa mukha at ginawaran muli nang halik.
Pagkatapos non ay nagpaalam na akong umalis. Nakita ko pa ang mukha niyang tuwang tuwa.
BINABASA MO ANG
SECRETLY MARRIED ❤️ (COMPLETED)
RomanceIsang araw lamang na pagkikita Isang laro ang ginawa Isang araw ang sisira Sa dapat na itinakda. Larong kasal-kasalan ay nauwi sa totohanan. Isang mapaglarong tadhana ang nangyari sa kanila Loraine De Guzman at Dave Jaycee Stone. paano nila ito mata...