CHAPTER 47

340 9 0
                                    


Five years later..

"Mommy let's go na pooo" nayayamot na turan nang isang batang babae na naka nguso pa.

"Wait lang baby ko. Antayin natin ang kambal mo. Masyado pa rin namang Maaga kaya antay kalang baby." paliwanag ni Loraine sa kaniyang anak

"PAPAYOWWWWW" muling sigaw ni Rain ang isang batang edad na apat taong gulang pero kong makaasta ay parang dalaga na.

"Hi baby Rain kamusta ka naman ha? Bakit parang napaka ingay mo nanaman" tanong ni Raphael sa mga anak ko.

"Papayow si Storm kasi ang bagal bagal kumilos malelate na kami sa first day nang school." nakangusong paliwanag nito

"Don't worry. Ihahatid kayo ni Papayow sa school" tuwang tuwa naman si Rain sa sinabi ni Raphael.

Nasa loob na kami nang kotse at puro kulitan lang nang dalawa ang maririnig. Kakalipat lang namin dito sa manila dahil na rin sa pabor na hinihingi ni Raphael sa akin.

Hindi ko naman matanggihan ito dahil siya rin ang tumulong sa akin noong lugmok na lugmok na ako at parang pinagsakluban na nang langit.

Nang makarating na kami sa school nang dalawa at nagpaalam muna ako kay Raphael upang ihatid sila sa mga room nila.

Private School ang napasukan nina Storm at Rain kaya kahit na magka edad ay hindi pa rin sila Classmates dahil magkaiba ang boys at Girls room.

Noong una ay ayaw pa nilang magpahatid dahil big boy at big Girl na daw sila. Jusko naman mga Nursery palang sila tapos big na agad.

Natutuwa naman ako dahil nakikita kong matapang silang mga bata pero nag aaalala din ako dahil ayukong dahil sa katapangan nila ay mapahamak sila.

Nagpaalam na ako sa kanila at pumunta na Kong Saan nag parking si Raphael.

Natutuwa ako dahil mayroon na ring asawa si Raphael pero wala pa rin itong sariling anak. Hindi naman nagseselos si Mareng Gel sa akin dahil alam niya ang buong estorya sa pagitan naming dalawa.

"Kumusta kayo ni Gel?" pagbasag ko sa katahimikan

"Ito Masaya kami. Next week pupunta kami sa Japan para magbakasyon" ngiting ngiting turan nito

"Ay sana all" naibulaslas ko nalang

"Wala kapa rin bang balak sabihin kay Dave ang totoo?" biglang tanong nito

"Huwag na natin siyang Pag usapan Raphael. Matagal na kaming tapos na dalawa." paliwanag ko dito

"Asawa kapa rin niya dahil hindi naman kayo annul. Matagal kana niyang hinahanap kaya nga kayo palipat lipat nang Lugar." alangan pang turan nito

"Ayuko lang siyang makitang muli" maikling turan ko

Nang Makarating kami sa tapat nang bahay ay nagpasalamat na ako at tuluyan nang Bumaba at agad pumasok sa bahay.

SECRETLY MARRIED ❤️                     (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon