DAVE POVHuminto muna kami sa First stop. Dumidilim na kaya naman minabuti naming Huminto kasama ang iba pang mountaineers.
Napansin kong medyo naiirita pa rin si Loraine kaya naman nilapitan ko siya.
"Love? Ayos kalang ba?" lambing ko dito.
"Hindi" tipid na sagot niya
"Bakit Dahil ba ito sa nangyari kanina?" tanong kong muli
"Oo. Bakit naman kasi ang gwapo gwapo mo? Tingnan mo pinagnasaan ka nang mga babaeng yon at nakakainis pa dahil tingnan mo Yong mga baklang yon kanina pa sila nakatitig sayo." pagmamaktol pa nito. Bahagya naman akong natawa dahil satingin ko ay nagseselos siya.
" Nagseselos ang love ko" pang aasar ko sa kaniya na ikinapula niya. Bahagya itong lumayo sa akin pero nilapitan ko siyang muli.
"Kahit sino pa ang lumandi sa akin. Ikaw at ikaw pa rin" sabay yakap ko pa sa kaniya para hindi na siya lumayo pa.
"Syempre kasi Kasal tayo" tugon niya sabay kalas sa yakap ko sa kaniya.
Bakit parang nahimigan ko ang malungkot niyang boses? Ayaw ba nitong kasal kami.
Agad ko itong sinundan at inayang kumain. Habang kumakain kami ay wala itong imik nakakapanibago ang kinikilos niya.
Pagkatapos naming kumain ay nagdesisyon akong Buksan ang phone ko dahil mula nang nagbakasyon kami ay pinatay ko ito para walang istorbo.
Pagkabukas na Pagkabukas ay nag uunahan na ang mga mensahe nag pa pop out.
Binasa ko ang lahat at ang karamihan dito ay si Beatrice na tinatanong kong nasaan na ako at kong iniwan ko na daw ba siya.Hays kong pwede ko lang talaga siyang Iwan at lumayo nalang para maging masaya na kami ni Loraine kaso hindi. Konting buwan nalang naman. Kaya kong mag tiis para sa ikabubuti nang bata sa sinapupunan niya.
Bumalik na ako sa tent para kausapin si Loraine pero wala ito rito. Hinanap ko siya at nakita Kong may kayakap itong lalaki na ikinainis ko nang todo.
"GAGO KA!" sabay hila ko kay Loraine at sinapak ang lalaki.
Nang kwinelyuhan ko siya saka ko napagsino ang lalaking ito. Siya ang nambugbog noon kay Fernando.
Nakakailang sapak na ako saka ko lang naramdaman ang yakap ni Loraine na nagpahinto sa akin.
"KAPAG NAKITA KO YANG PAGMUMUKHA MO NA LUMAPIT MULI SA ASAWA KO SINASABI KO SAYO PAPATAYIN NA TALAGA KITA" Malakas na sigaw ko dito at hinila si Loraine
Nang makarating kami sa tent ay binitawan ko siya at nahiga nalang. Ayukong harapin siya ngayon dahil baka Kong ano anong masasakit na pananalita ang masabi ko.
"Dave?" tawag nito sa pangalan ko pero hindi na ako lumingon.
"Galit ka?" tanong pa nito pero nanatili pa rin akong nakapikit at hindi kumikibo
"Si Raphael ang lalaking yon. Bago tayo mag 1 month pumasok ako sa isang karinderya at isa siyang customer doon. Hindi ko alam na makikita ko siya dito at yayakapin niya ako. Sorry love ko."
Kong hindi lang ako galit siguradong tuwang tuwa ako dahil tinawag niya akong love.
"Kilala ko siya" simpleng sagot ko.
Pero Nagulat ako nang niyakap niya ako at naglandas ang kamay nito sa abs ko. Biglang nag init ang katawan ko dahil sa ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
SECRETLY MARRIED ❤️ (COMPLETED)
RomanceIsang araw lamang na pagkikita Isang laro ang ginawa Isang araw ang sisira Sa dapat na itinakda. Larong kasal-kasalan ay nauwi sa totohanan. Isang mapaglarong tadhana ang nangyari sa kanila Loraine De Guzman at Dave Jaycee Stone. paano nila ito mata...