CHAPTER 25

357 9 0
                                    


DAVE POV

Pagkarating na Pagkarating ko sa bahay ay agad agad akong dumiretso sa kwarto ngunit wala itong tao.

Hinalughog ko ang bahay pero wala akong Loraine na makita. Hindi ko na maiwasang maiyak dahil iniwan na niya ako.

Aakyat sana ako sa kwarto upang kunin ang susi nang kotse para hanapin si Loraine hindi ako pwedeng maubusan nang pag asa.

Paakyat palang ako nang matanaw kong may nakasalampak sa sahig nang kusina. Agad agad akong nagtungo roon at kinabahan ako nang makita si Loraine na walang malay.

Dinaluhan ko ito at ramdam na ramdam ko ang init nang katawan niya. Kaya siguro ito nakatalukbong kanina dahil masama na ang pakiramdam nito. Nakaramdam naman ako nang paninibugho sa sarili ko.

Inilagay ko siya sa kwarto dahil ayaw nitong pumupunta sa Hospital. Ito ang natatandaan ko nong Isinama ko siya noong si Fernando ang sinugod doon.

Pinatay ko ang aircon at nag painit ako nang maligamgam na tubig para mapunasan siya.

Grabe ang pagtitimpi ko habang hinuhubad ang damit nito para mapunasan.

"Dave. May sakit ang asawa mo huwag ngayon may kasalanan kapa sa kaniya e." kausap ko sa sarili ko

Nang magtagumpay akong mapunasan siya at mabihisan nagdesisyon akong bantayan ito buong araw.

Nang mapakain ko na ito at mapa inom nang gamot ay pinatulog ko na siya. Lumabas naman ako para may tawagan.

" Watsap kapatid? " sagot ni Art sa akin

"Watsap kapa. May hihingiin sana akong pabor sayo at bawal tumanggi" agad agad kong sabi sa kaniya

"Aysus. May magagawa pa ba ako. Ano yon?" tanong nito

"Aalis ako. Two weeks din akong mawawala gusto kong ikaw ang mag aasikaso nang kompanya ko at syempre nang sarili mong kompanya" dire-diretso kong sagot sa kaniya

"Pero kuya..." tutol pa sana ito

"Walang pero Art. Pinagbigyan na kita kaya sana ako naman ang pag bigyan mo." sabi ko pa dito

"Oh sige na kuya. Saan kaba pupunta?" tanong muli nito

Pinatay ko ang tawag dahil ayukong sabihin kong saan ba talaga ako pupunta dahil ayuko nang istorbo sa pupuntahan ko.

Tinawagan ko naman si Beatrice

"Hello babe? Papunta kana dito?" malambing na pambungad niya sa akin

"Hindi ako makakapunta diyan ngayon. Dalawang linggo akong mawawala dahil may emergency sa kompanya na dapat tugunan." pagsisinungaling ko sa kaniya

"Sama ako babe" malambing parin nitong tugon

"Hindi pwede. Buntis ka bawal kang mag biyahe dahil baka mabinat ka." sabi ko dito na may himig na pag aalala.

"Sige I love you babe" pahabol pa nito pero hindi ko nalang ito pinansin at pinatay na ang tawag

Buntis si Beatrice pero alam kong hindi ako ang ama. Pinakiusapan ako nang kaniyang ama na akuin ang bata hanggang sa manganak ito. May depression pala si Beatrice simula nang mawala ang nanay nito at sumama sa ibang lalaki.

Simula daw noon ay naging bulakbol na ito at kung sino sinong lalaki na ang sinasamahan.

Nang mga araw na pumunta ako sa pangasinan upang puntahan si Loraine ay pumunta pala ito sa condo ko na lasing na lasing pero dahil wala ako don at hindi niya mabuksan ang condo ay umalis ito.

Mayroon daw grupo nang mga kalalakihan ang umabuso kay Beatrice at doon nga nagbunga ang batang nasa sinapupunan niya.

Pinagpipilitan nitong ako ang ama nang bata noong una hindi ko matanggap at pinagtutulakan pa siya pero nagbanta itong papatayin ang bata.

Nakiusap ang ama nito na kahit hanggang sa manganak lang siya para kapag nakaraos na ito sa panganganak ay mapapagamot na niya si Beatrice at maaalagaan nang maayos ang kaniyang apo.

Si Beatrice din ang dahilan Kong bakit hindi ako nakauwi nang Maaga kagabi dahil sinusumpong nanaman ito at sinasaktan ang kaniyang sarili. Nakauwi lang ako kagabi nang makatulog na ito nang mahimbing.

Inalis ko ang mga gumugulo sa aking isipan. Naniniwala akong maaayos din ang lahat at masasabi ko rin kay Loraine kong ano ang totoo.

SECRETLY MARRIED ❤️                     (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon