CHAPTER 7

473 17 0
                                    


LORAINE POV

Sa pagtawag ko sa pangalan niya kasabay non ang bigla niyang pagngisi.

"Naalala mo pa pala ako" sabay blankong emosyon nanaman nito.

Grabe ibang iba na siya. Noong mga bata kami ay puro ngiti lang ang emosyon niya pero ngayon ay mabilis na itong magbago.

"Bakit ka nandirito?" kalmang tanong ko sa kaniya

"Sabayan mo muna ako sa pagkain. Alam Kong pagod na pagod ka dahil galing ka sa Hospital at binantayan ang kapatid mong si Ever." wala paring emosyong sabi niya

"Paano mo nalaman yon ha?" tanong kong muli dito

Hindi ako nito sinagot. Uminom ito at hinugasan ang kaniyang pinagkainan na tanda nang tapos na siyang kumain.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Loraine De Guzman. Andito ako dahil kasal tayong dalawa." Nagulat ako sa sinabi nito. Literal na lumaki ang mata ko at napanganga ako sa gulat.

"Naalala mo yong laro nating kasal kasalan? Hindi sinasadyang mapatotohanan ito ni Tito Raffy dahil lasing din siya nong araw na iyon." sabi pang muli nito

"Andito ako upang iuwi ka sa Lugar kong nasaan ako. Bilang asawa ko kailangan mong punan ang lahat nang pangangailangan ko. Kailangan ko nang isang anak" dire-diretsong sabi nito na siyang nagpainis sa akin

"Aba gago ka pala Dave. Ano ako lahiang baboy mo lang? Pupunta ka dito para sabihing gusto mukong anakan? Ano ako tanga ha?" nakita ko pang Nagulat ito sa mga sinabi ko. Marunong din palang magulat itong hayop na to e.

"Huwag mukong minumura Loraine baka nakakalimot ka na ako ang asawa mo" sabi nito

"Wala akong Pake kong asawa kita. Umalis kana dito dahil nakakabweset ka. Dumadagdag kalang sa problema ko." sabay pasok ko sa kwarto ko.

*******
Kinabukasan Maaga akong Nagising dahil sa pagkulo nang tiyan ko.

Bumababa ako agad para makapagluto at mapuntahan na sa Hospital si Ever at Alex.

Nagulat pa ako nang may lalaking nakaupo at sobrang daming pagkain sa harapan niya . Naalala ko ang nangyari kagabi akala ko panaginip lang ang lahat.

"Antagal mong magising. Kanina pa kita inaantay na bumaba. Halikana kumain na tayo. Alam Kong gutom ka dahil hindi ka naman kumain kagabi. Ang payat payat mo na pero nag Didiet kapa din" sabi nito

"Alam mo ang daldal mo. Atsaka hindi ako nagdidiet Noh! Sadyang ayuko lang makita yang mukha mo kagabi" mataray na sagot ko.

"Kumain kana. Mamaya na tayo mag-usap" sabi pa nito kaya naman kumain nalang kami nang tahimik.

Sobrang natatakam din ako dahil ang ilan sa inihanda niya ay hindi ko pa natitikman.

Nang matapos kami kumain ay iniligpit niya ang lahat nang pinagkainan namin. Tutulungan ko na sana siya pero ayaw naman nito.

"Gusto kong humingi nang tawad sa mga na sabi ko kagabi. Ang totoo niyan nandito ako dahil sa daddy ko. May sakit ito kaya gusto kong matupad ang hiling nito sa akin. Gusto niyang magpakasal ako sa isang babae at magkaroon kami nang anak. Gaya nga nang sabi ko sayo kagabi kasal tayong dalawa. Ayaw kitang idamay dito binalak ko nang magpakasal sa iba pero hindi ko mapapawalang bisa ang kasal natin dahil nandito tayo sa pilinas at alam naman nating walang divorced dito. " mahabang paliwanag niya

Hindi ko alam kong bakit nasaktan ako nang malaman kong binalak niyang magpakasal sa iba.

" Please Loraine sana mapagbigyan mo ako. Kahit anong hilingin mo ay ibibigay ko. " pagmamakaawa nito

" Sumama ka sakin sa maynila. Magpakasal tayong dalawa at magkaroon nang anak. Kahit isang anak lang ang maibigay mo okey lang sa akin basta meron." sabi pa nito na ikinainit nang ulo ko.

" Ayuko. Umalis kana dito. Hinding hindi magbabago ang desisyon ko" sabi ko sabay akyat sa kwarto.

Hindi ako pumayag dahil ayukong masangkot sa buhay ni Dave. Nararamdaman kong masasaktan lang ako kaya habang Maaga ay pipigilan ko na.

SECRETLY MARRIED ❤️                     (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon