LORAINE POVKinabukasan ay nagising siyang nakayakap sa kaniya si Dave. Akala niya ay galit pa rin sa kaniya ang binata dahil umalis ito kagabi. Gustong gusto niya itong sundan pero pinili na lang niyang mag antay ngunit hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.
"Love gising kana" lambing ko pa habang ginigising ito. Nang magselos ito kay Raphael ay gustong gusto nang umasa ng aking puso na mahal niya rin ako.
Naisip kong katulad nang isang mabuting asawa ay ibibigay ko ang lahat sa kaniya kahit masaktan pa ako sa huli.
Nang magmulat ang ni Dave ay agad ko siyang hinalikan sa labi
"Goodmorning Love" masayang bati ko sa kaniya
"Goodmorning din Love ko" sabay yakap pa sakin.
Sana lagi nalang kaming masayang dalawa pero syempre wala namang ganon.
Nang mapansin Kong namamaga ang nga mata nito ay agad ko siyang tinanong
"Anong nangyari sa mga mata mo ha? Atsaka bakit parang may black eye ka sa kaliwang mata mo?"
"Ahh eh. Nasabit lang sa puno kaya ganyan" sabay tayo nito
Alam Kong iniiwasan niya ang mga tanong ko kaya minabuti Kong wag munang mag tanong dahil baka mag away nanaman kaming dalawa.
Nang matapos naming mailigpit ang lahat nang gamit at matapos makakain ay agad naman kaming kumilos at ipagpatuloy ang paglalakad papunta sa tutok.
Ilang oras lang ang lumipas ay magandang tanawin ang sumalubong sa aming lahat.
"WahHhh ang ganda ganda" tuwang tuwang sigaw ko.
Nakita Kong nakatitig si Dave sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya.
"Napakaganda mo kapag nakangiti ka" turan nito na ikinapula nang mukha ko.
"Nagbablush ang love ko" sabay yakap sa likod ko habang nakaharap kami sa magandang tanawin.
"Sobrang ganda dito" naibulaslas ko
"Sobrang ganda mo" turan niya sa akin
"Nababaliw kana ba" sabay hampas ko sa kamay niya na nakapulupot sa bewang ko.
"Nababaliw na ako sayo" hindi na ako nakaimik dahil sa sinabi niya.
"Bago tayo umalis sa Napakagandang Lugar na ito katulad mo. Gusto Kong sabihin na mahal na mahal na mahal na kita" turan nito na siyang ikinabigla ko. Hinarap pa ako nito sa kaniya kaya nakita Kong titig siya sa mukha ko.
"Alam Kong mahirap paniwalaan. Nang mag usap kami nang kapatid mong si Ever sinabi ko sa kaniya ang lahat. Kong Ano talaga ang status natin na mula pagkabata ay kinasal na tayo at gusto kitang kuhain dahil sa kagustuhan nang papa ko. Pero alam mo bang sagot niya sakin? " tanong nito sa akin pero dahil sa pagkabigla ay hindi ako nakapagsalita.
" Kuya mamahalin mo ang ate ko sigurado yon dahil siya na ang pinakamabait at pinakamagandang ate sa balat nang lupa. Yan ang eksaktong sinabi niya sakin na ngayon ay Sobrang pinaniniwalaan ko" sabay yakap na nito sa akin paharap sa kaniya
"Mahal na mahal kita Loraine. Kahit hindi mo pa ako mahal ngayon ay paghihirapan ko para mapaibig kita pag dating nang Panahon. Sa panahong yon siguradong tayo ang pinakamasaya sa lahat nang mag-asawa sa mundong to." Sabay halik sa nuo ko
"Mahal na mahal din kita Dave" bulong ko sa kaniya
Natulala lang siya nang sabihin ko yon sa kaniya. Akala ko mabibigo ako dahil wala itong Reaksyon pero maya maya lang ay nagtatalon at nagsisigaw na ito sa saya.
Kahit pinagtitinginan kaming dalawa ay sinisigaw pa rin namin Kong gaano namin kamahal ang isa't isa.
Ito na ang pinakamasayang araw sa buhay ko na kasama ko siya dahil ito ang unang pagkakataon na inamin namin ang nararamdaman sa bawat isa. 💕
BINABASA MO ANG
SECRETLY MARRIED ❤️ (COMPLETED)
RomanceIsang araw lamang na pagkikita Isang laro ang ginawa Isang araw ang sisira Sa dapat na itinakda. Larong kasal-kasalan ay nauwi sa totohanan. Isang mapaglarong tadhana ang nangyari sa kanila Loraine De Guzman at Dave Jaycee Stone. paano nila ito mata...